Branded bags at shoes, ibinenta… MARIEL, TODO-ENJOY ULI SA SHOPPING
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 23, 2022

Pagkatapos ng dalawang taon, nakapag-shopping nang muli si Mariel Rodriguez sa physical store. Sa kanyang IG, ipinost ng asawa ni Robin Padilla ang mga larawan niya habang nasa clothes section ng isang department store.
Parang batang masayang-masaya si Mariel na sobrang na-excite nang maranasan niya ulit mag-fitting ng clothes base na rin sa kanyang caption. Talaga raw nag-shopping siya nang bongga gamit ang credit card. At pagdating daw ng bill ay pipikit na lang siya.
“Slow clap (clapping emojis) I did it… I finally did it!!! After 2 years I SHOPPED FOR MYSELF IN THE ACTUAL STORE!!!!!! Na-feel ko ulit mag-fit ng clothes (and ma-sad 'pag hindi kasya) I signed and swiped my card… the whole shopping experience so when the credit card bill arrives, I WILL JUST CLOSE MY EYES, ang saya-saya!!!!” caption ni Mariel.
May nagsabing netizen na well-deserved naman niya ang mag-shopping after her successful online selling event kung saan ibinenta nga niya ang kanyang mga branded bags and shoes.





Comments