top of page
Search
  • BULGAR

Boyet, nasampulan… VILMA, UMAMING KAYANG MANAPAK DAHIL SA SELOS

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 16, 2023




Ipinapanood na sa entertainment press ang full trailer ng When I Met You in Tokyo na pinagbibidahan nina Star for All Seasons Vilma Santos at Drama King Christopher de Leon sa ginanap na grand mediacon ng MMFF 2023 entry ng JG Productions, Inc. last Thursday night sa Crowne Plaza.


Cute para sa amin at umagaw ng atensiyon namin ‘yung eksenang nagselos ang karakter ni Ate Vi dahil may mas batang babae na itine-train sa gym ang karakter ni Boyet de Leon. At dahil nga sa selos, nagawang sapakin ni Ate Vi sa mukha si Sir Boyet sa story ng WIMYIT.


Kaya naman tinanong namin si Ate Vi - na via Zoom lang ang attendance sa grand mediacon dahil maysakit ito at nasa bahay lang, pero kinaya pa ring sumagot sa tanong ng press - kung in real life ba ay selosa rin siya (despite her age na 30 something, haha!) tulad ng kanyang ginampanan sa When I Met You In Tokyo? 


Natawa si Ate Vi sa tanong namin at in-explain na wala namang age ang pagseselos dahil mapa-GenZ o mapa-senior citizens na, pareho lang ng nararamdaman.


At bilang tao nga lang din siya, inamin ni Ate Vi na normal lang ang pagseselos. 


Sa tanong naman kung kaya rin niyang manapak kapag nagseselos, nagpakatotoo si Ate Vi na kaya rin niyang gawin ‘yun sa totoong buhay, pero so far naman daw ay wala pa siyang nasasampulan. 


Hahaha! ‘Kaaliw talaga si Ate Vi! Kaya naku, ‘wag siyang i-dare dahil alam n’yo na!!!


Basta, bukod sa eksenang nabanggit namin, marami pang touching moments sina Ate Vi at Sir Boyet sa WIMYIT na hahaplos sa puso ng manonood at makakapag-inspire na it’s never too late to fall in love anuman ang age mo at there’s always a second chance… at may forever!


So, sa mga gustong mapaaga ang Valentine’s Day at maka-feel ng love on Christmas Day, ang When I Met You in Tokyo ang bagay n’yong panoorin sa Dec. 25.


Mula ito sa direksiyon nina Conrado Peru at Rommel Penesa pero nagsilbi ring associate director si Sir Boyet dahil comeback movie nga ito ni Ate Vi at medyo nangangapa raw siya kaya ini-request niyang si Sir Boyet ang umalalay sa kanya sa mga eksena nila.


Kasama rin sa pelikula sina Cassy Legaspi at Darren, Lotlot de Leon, Gabby Eigenmann, mag-asawang Tirso at Lyn Cruz, Cacai Bautista, John Gabriel, Jacky Woo at si Direk Gina Alajar.


 

SARAH, TYPE NI TYAN GALLAGHER NG THE VOICE



Nasa ‘Pinas ngayon ang napakaguwapong singer from The Voice na si Ryan Gallagher para i-promote ang kanyang Christmas single na The Feeling of Christmas.


Hindi first time nakarating sa ‘Pinas ni Ryan. In fact, nakapag-perform na nga ito sa It’s Showtime kung saan kinanta niya ang Tagalog song na Kahit Isang Saglit ni Martin Nievera. 


Naka-duet na rin niya sina Martin, Lea Salonga at Mark Bautista sa ilang shows kung saan nag-guest siya.


Bilib at nagulat nga raw si Martin nang marinig na kumanta ng Tagalog song si Ryan Gallagher dahil napakalinaw ng pagbigkas nito at tinalo pa siya na hanggang ngayon ay may pagka-slang pa rin.


With the help of Ice Seguerra and former FDCP Chairman Liza Dino-Seguerra ng Fire & Ice Productions, ang sipag mag-promote ni Ryan ng kanyang Christmas single dahil nag-guest din siya nu’ng Wednesday night sa concert ni Ice Seguerra sa Klownz.


Nakapag-duet na rin pala sina Ice at Ryan ng kantang Sun and Moon ni Anees and soon, balak daw nilang mag-collaborate sa isang original song.


Kaya nga under negotiation daw ngayon ang pagma-manage nina Ice at Liza sa career ni Ryan Gallagher dito sa ‘Pinas, at kung may magagandang offers naman daw, willing ang guwapo at magaling na singer na mag-stay dito for good dahil ang gusto lang niya ay mai-share ang kanyang singing talent at makapag-entertain ng maraming tao.


At knows n’yo ba kung sino pa ang gustong maka-duet ni Ryan Gallagher bukod kay Ice Seguerra?


Well, walang iba kundi ang nag-iisang Popstar na si Sarah Geronimo-Guidicelli!


Oh, ha, abangan natin ‘yan dahil parang gusto ko silang marinig na kumakanta ng The Prayer kung saan ito ‘yung naging audition piece ni Ryan Gallagher sa The Voice kaya niya napa-yes si Kelly Clarkson na isa sa mga judges, at ang balita nga ay nagpa-cute pa raw nang bongga kay Ryan, hahaha!


Well, with Ryan Gallagher’s looks and personality and his extraordinary talent in singing, for sure, maraming Pinoy fans ang mabibighani sa kanya at baka maging favorite Christmas song na rin nila ang The Feeling of Christmas kapag narinig nilang kinakanta ito ni Ryan. 


 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page