top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

BOY, PIOLO AT JM, NAG-ENDORSO NA RIN NG PARTYLIST

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 6, 2022
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 6, 2022




Ang sipag maglibot ni Tito Boy Abunda para ipakita ang suporta sa Ang Probinsyano partylist na kanyang sinusuportahan at ineendorso.


Proud probinsiyano ang King of Talk na nagmula sa Borongan, Eastern Samar at nang makilala niya si Cong. Apid delos Santos na first nominee ng Ang Probinsiyano partylist nu'ng 2019, na-impress siya sa layunin nitong matulungan ang mga nasa probinsiya na hindi lubos na naaabot ng tulong mula sa gobyerno kaya ganu'n na lang ang suportang ibinibigay ni Tito Boy sa naturang partylist group.


Napukaw ng Ang Probinsiyano partylist ang puso ni Tito Boy dahil sa kanilang track record sa pagsusulong ng development sa mga rural areas, lalo na sa mga suluk-sulok ng Pilipinas.


Hindi nabigo si Kuya Boy dahil napatunayan ng partylist ang kanilang dedikasyon noong nagawa nitong pangunahan ang pagtulong sa mga liblib na lugar nu'ng panahon ng pandemya.


Kaya naman, buong-puso ring tinanggap ni Tito Boy ang imbitasyong maging tagapayo ng grupo at maging bahagi sa pagbibigay-atensiyon sa mga nakakaligtaang sektor ng lipunan.


Paalala lang ni Tito Boy, hindi dapat malito ang mga botante dahil may 165 partylist groups na pagpipilian sa eleksiyon kung saan halos pare-pareho na ng pangalan ang iba.


"Kaya ako, umiikot talaga ako ngayon para siguraduhin na alam ng mga tao na No. 50 ang Ang Probinsyano sa balota. 'Wag silang malilito, lalo na sa mga grupong katunog lang din o para bang ginagaya lang ang pangalan natin," paalala pa niya.


Bukod kay Tito Boy, suportado rin nina Piolo Pascual, JM De Guzman at Donnalyn Bartolome ang Ang Probinsyano partylist.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page