Boy, ninong… JULIE ANN, WALA PANG ENGAGEMENT RING, KASAL KAY RAYVER, GAME NA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 14, 2026

Photo: Julie Anne San Jose sa FTWBA - YT
Bukod sa pinaghahandaang kasal nila ni Rayver Cruz sa susunod na taon (2027), abala rin ngayon si Julie Anne San Jose sa paghahanda para sa kanyang 20th anniversary concert.
Isa itong malaking milestone sa kanyang showbiz career kaya paghahandaan niya ito nang husto. Malalaking artista at singers ang magiging bahagi ng concert, kabilang na ang kanyang the one na si Rayver. Naging inspirasyon nila ang isa’t isa sa kanilang showbiz journey.
Samantala, sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), napag-usapan ang kumakalat na tsikang magpapakasal na sila sa 2027.
May ilang nagsasabi na may list na raw ng mga kasali sa wedding entourage, mga ninong at ninang, at venue ng kasal. Hindi man diretsahang kinumpirma ni Julie Anne ang mga detalye tungkol dito, ang tanging inamin ng Limitless Star ay napag-usapan na nga nila ni Rayver ang mga paghahanda.
Tiniyak din nila na isa sa mga ninong ay ang King of Talk na si Boy Abunda.
Teka lang, nag-propose na ba si Rayver kay Julie Anne? Bakit parang wala pang pag-amin na may engagement ring na sila?
Well, kahit maging misis na ang singer-aktres, for sure ay forever na magiging Kapuso si Julie Anne dahil sa GMA-7 siya nagsimula, at dito nabigyan ng magandang break.
Utos ng mga bossing sa It's Showtime co-hosts…
KIM, BAWAL TUKSUHING BUNTIS
Balitang bawal nang tuksuhin o biruin si Kim Chiu tungkol sa buntis issue. Ito raw ang mahigpit na bilin sa lahat ng hosts ng It’s Showtime (IS).
At balita rin na magli-leave (vacation leave) ang aktres para sa kanyang mental health.
Sunud-sunod kasi ang mga problemang dumating sa kanyang buhay, kaya kailangan niya ng vacation upang makapagpahinga siya emotionally.
Labis ding nag-aalala ang mga supporters ng Chinita Princess sa kanyang kalagayan ngayon. Bukod sa problema niya sa kanyang pamilya at negosyo, kailangan niyang tutukan ang kanyang career.
At may nagdududa pa sa tunay na intensiyon sa kanya ni Paulo Avelino. May mga nakatampuhan din siyang mga kaibigan kaya ang gulu-gulo ng mundo ngayon ni Kim.
GAME na game si Marian Rivera sakaling kunin siya upang mag-guest sa The Master Cutter (TMC) na pinagbibidahan ng kanyang mister na si Dingdong Dantes.
Si Max Collins ang leading lady sa serye, at kasama rito sina Tonton Gutierrez, Rio Locsin, Paolo Contis, Ketchup Eusebio, at Sienna Stevens.
Well, nakapag-guest na sa TMC sina Jennylyn Mercado at KC Montero.
Gusto ni Marian na kapag lumabas siya sa serye ay maging kalaban siya ni Natoy (Dingdong Dantes), at iyon ang aabangan ng mga viewers.
Exciting tiyak ang mga magiging eksena nila ng mister niya.
Samantala, kahit na nagkaroon na ng dalawang anak ay napanatili pa rin ni Marian ang magandang hubog ng katawan, makinis na kutis at mala-diyosang kagandahan. Kaya naman marami pa rin ang kumukuha sa kanya bilang beauty product endorser at model ng mga beauty salons.
Bukod dito, pasado pa rin siyang leading lady sa pelikula, at maging sa mga big events sa showbiz ay lagi pa rin siyang kinukuha.
Napanatili ni Marian ang kanyang kasikatan, at kahilera pa rin siya ng malalaking artista sa showbiz.





Comments