top of page

Boy, napaiyak sa show ni Luis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 24, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando @News | May 24, 2024


Emosyonal ang naging guesting ng “King of Talk” na si Boy Abunda sa Youtube channel ni Luis Manzano na “Luis Listens.”


Napag-usapan kasi nina Boy at Luis ang namayapang ina ng host at kung ano ang impact nito hanggang ngayon sa kanyang buhay.


Pagbabahagi ng King of Talk, ang ina niya ay matapang at laging present maganda man o pangit ang ibinabato ng buhay na pagsubok.


Proud ding sinabi ni Boy na ayaw niyang mawala ang sakit ng pagkawala ng kanyang ina dahil ito na lang ang natitira niyang koneksyon dito.


Marami namang netizens ang naka-relate sa pagmamahal ni Boy Abunda sa kanyang ina at pinuri ang pagiging authentic nito sa pagsagot ng mga katanungang ibinabato ni Luis patungkol man sa karir o buhay ng batikang TV host.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page