top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

BOY, KUMANTANG NAWALA ANG VIRGINITY SA BALCONY NG METROPOLITAN THEATER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 29, 2022
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 29, 2022


Nag-trip down memory lane ang King of Talk na si Boy Abunda while hosting the 5th EDDYs ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) sa Metropolitan Theater (MET) last Sunday.


Hindi lingid sa marami na nagsimulang magtrabaho si Kuya Boy sa MET bago siya naging kilalang TV host.


Buong akala ng iba ay artista agad sa teatro si Kuya Boy. But that night, ini-reveal niya kung ano ang una niyang trabaho sa MET.


“You have to indulge me here a little bit. Alam ninyo po, mga kaibigan, sa backstage, dito po ako nag-umpisa sa teatrong ‘to. Maraming salamat to EDDYs and to SPEED for bringing me back here,” simula ni Kuya Boy.


Kuwento niya, “Sabi sa akin nu’ng mga bata, ‘Ano ho ang inyong trabaho dito nu’ng kayo ay nag-uumpisa sa MET?’ Sabi ko, ‘I was a production assistant. I’m familiar with this stage as backstage. I used to fix costumes. I used to clean this very stage which I’m standing on tonight.


So, maraming-maraming salamat. And, welcome to the theater.


“Kanina, nu’ng the voice over was asking the audience to stand for the Philippine National Anthem, trabaho ko po ‘yun, ‘Ladies and gentlemen, please rise for the Philippine National Anthem.


“Today, I’m back. Tonight, I’m back. For the 5th EDDYs.


“Baon ko pa rin po ang aking pusong-production assistant. I’ll always be a PA by heart.


Pero ako’y natutuwa na tayo’y magkakasama and I'm in a familiar place with familiar faces.”


Nagulat naman ang audience sa EDDYs Awards nu’ng may isa pang big reveal si Kuya Boy tungkol sa nakaraan niya nu'ng nagtatrabaho pa siya sa MET.



That happened pagkatapos ng speech ng SPEED president na si Eugene Asis kung saan inalala niya kung paano sila nagkakilala.


“I met Eugene thru Louie Camino. We didn’t have an affair. We didn’t have an affair, Eugene. I just wanna make sure. Kasi dito po sa teatrong ito ay napakarami nang naganap, marami po akong natutunan. I lost my…” natigilan niyang sabi.


Pagpapatuloy ng kuwento ni Kuya Boy, “We’re being streamed. We’re not on free TV, so I lost my virginity in the balcony. That’s a joke! Hahaha!”


Shocked nu’ng una ang mga tao sa MET na tila ‘di alam kung paano magre-react. Pero nu’ng sinabi ni Kuya Boy na biro lamang ‘yun, saka umugong ang malakas na tawanan sa loob ng teatro.


Personal ding tinanggap ni Kuya Boy ang special award para sa kanyang kaibigan na si Kris Aquino.


Winner ang dating boss ni Kuya Boy sa ABS-CBN na si Charo Santos bilang Best Actress sa EDDYs sa kanyang pagganap sa Kun Maupay Man It Panahon.


Doon ay ibinalita ni Charo na may last two episodes na lang ang longest and most awarded drama anthology show niya, ang Maalaala Mo Kaya.


To quote her sa interbyu ng PEP kay Charo, “I have a grateful heart na naka-contribute naman ang Maalaala Mo Kaya sa larangan ng entertainment, sa pagdadala ng magagandang kuwento na puno ng aral at pag-asa. Because we presented the slice of life of the Filipinos, at ang daming aral na dinala. So, nakakatuwa.”


Pero may good news naman si Charo about MMK, binili raw ito ng 41 countries sa South Africa.


Next year daw ipapalabas doon ang MMK, kaya nag-umpisa na raw siyang mag-dub ng MMK episodes into English.


Wish ni Charo na mabili rin ang MMK episodes sa Korea.


Big congratulations sa SPEED and of course, sa Fire and Ice Production na siyang nag-handle sa awards night ng EDDYs. Kayhusay-husay na talaga ni Ice magdirek ng ganitong event and of course, kay former FDCP Chair Liza Diño at ang kanilang team.


Kitang-kita ang research na ginawa ng team ni Chair Liza from the script hanggang sa mga lumang pelikula na talagang masasabing hinalukay pa sa baul, ha?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page