Boy, gustong patanggalan ng show… ALVIN, MAS TODO-PAPANSIN KAPAG MAY NABUBUWISIT SA KANYA
- BULGAR

- 2 days ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 28, 2026

Photo: IG @aragonnuel
MARAMING netizens ang nabubuwisit ngayon kay Alvin Aragon. Mukha raw nawawala na sa huwisyo at tamang katinuan ang mister ng dating Sexbomb member na si Izzy Trazona.
Wala na raw sa tamang direksiyon ang kanyang mga pinagsasabi at hindi katanggap-tanggap ang panlalait niya sa respetadong talk show host na si Boy Abunda.
May lakas pa siya ng loob na manawagan sa big bosses ng GMA Network na tanggalin si Boy sa kanyang TV show dahil hindi raw magandang ehemplo ang mga gays na nagho-host ng show.
Tila ang galit ni Alvin sa mga gays ay ibinaling niya sa batikang host.
Pero marami ang nagsasabing hindi na dapat pinapatulan pa ang mister ni Izzy. Huwag na siyang bigyan ng pansin at espasyo.
Nag-e-enjoy siya kapag bina-bash sa social media at tuwang-tuwa kapag may nagre-react sa kanyang mga pinagsasasabi. Gusto niya ng atensiyon kaya dapat na siyang iwasan. Not worth it bigyan ng pansin.
MAGING ang Chief Executive Officer (CEO) ng BeautéDerm na si Ms. Rhea Tan ay magbibigay din ng cash para sa panggasolina ng 100 tricycle drivers at riders.
Nagbenta siya ng kanyang branded bags, shoes, at damit, at ang kikitain ay ipamimigay.
Well, si Willie Revillame, bumili ng anim na mini-bus upang ipagamit nang libre sa mga commuters. Dama ng TV host-comedian ang hirap na dinaranas ngayon ng mga commuters dahil sa kakulangan ng sasakyan. Mula nang magtaas ang presyo ng gasolina ay limitado na rin ang mga bumibiyahe.
Nagtaas din ng pamasahe ang mga jeep at taxi na hindi na rin kaya ng mga pasahero. Kaya naman, ang mga bus ay ipagagamit nang libre sa mga commuters upang kahit papaano ay makatulong.
Maging si Quezon City (QC) Mayor Joy Belmonte ay matagal nang pinaiiral ang libreng sakay para sa mga residente. Magdaragdag din sila ng units ng electric bus upang ma-accommodate ang mga pasahero at libre ito para sa lahat.
UNANG beses na nagkasamang nag-guest sa telebisyon ang mag-inang Sheryl Cruz at Nicole Sonora sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), kung saan ipinagmalaki ni Sheryl ang tagumpay ng kanyang anak.
Super proud si Sheryl sa kanyang anak na si Nicole na summa cum laude nang mag-graduate sa college. Posible rin daw na pasukin nito ang showbiz.
Base sa interview ni Boy Abunda, 7 years old lamang si Nicole nang maghiwalay ang kanyang parents na sina Sheryl at Norman Bustos. Kaya hindi niya ganap na maintindihan noon kung bakit kailangang maghiwalay ang kanyang mom at dad.
Pero ngayong 24 na siya ay ganap na niyang naiintindihan ang lahat. Tanggap na rin ni Nicole na may ibang pamilya na ang kanyang daddy. Dumalo naman ang kanyang dad noong graduation niya sa college.
Hindi na rin ine-expect o iwini-wish ni Nicole na magkabalikan pa ang kanyang mom at dad. Nakikita naman niya na masaya ang kanyang parents sa kani-kanilang buhay ngayon.
BELONG na pala sa pamilya nina Janice de Belen ang Kapuso actor na si Jake Vargas. Kasama siya ng nobyang si Inah de Belen sa ginanap na birthday celebration ni Kaila Estrada sa mismong bahay ni Janice.
Naroroon din si Daniel Padilla, BF ni Kaila, at ang husband-to-be ni Moira Estrada.
Komportable si Jake na kasama ang pamilya de Belen. Tanggap na kasi siya nina Janice at John Estrada at itinuturing na miyembro ng pamilya.
Well, inaabangan na ng lahat kung kailan naman magpapakasal sina Inah at Jake. Tiyak daw na kukuning ninong at ninang sina Michael V. at Manilyn Reynes na nanay at tatay ni Jake sa sitcom na Pepito Manaloto (PM). For sure, kasama rin ang buong cast.
Pareho namang nasa tamang edad na sina Inah de Belen at Jake Vargas upang magpakasal, ngunit may iba pa silang pangarap at priorities kaya hindi sila nagmamadali.




Comments