top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Boy daw uli… MARIAN AT DINGDONG, MAGKAKA-BABY NO. 3 SA 2024

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 18, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 18, 2023



Sa pagpasok ng taong 2024 (Year of the Wood Dragon), pinag-iingat ng psychic na si Gloria Escoto ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes dahil posibleng mabiktima at masangkot siya sa isang malaking scam.


Malaking pera ang sangkot dito kaya 'wag agad siyang magtitiwala sa mga taong lumalapit at kumukumbinse sa kanya na sumosyo sa anumang negosyo.


Sikat na sikat ngayon si Dingdong at marami ang nagtitiwala sa kanyang kredibilidad kaya in demand siyang endorser ngayon at siya ang gustong puntiryahin ng mga big time scammers.


Kailangan na maging matalas ang kanyang pakiramdam at 'wag agad magtitiwala kahit kanino.


Samantala, ang good news naman ay masusundan na raw si Baby Sixto sa 2024. Lalaki ulit ang ipagbubuntis ng kanyang misis na si Marian Rivera. 


Ideal couple sina Marian and Dingdong. Truly blessed ang kanilang marriage. At may movie pa silang kasama ngayon sa MMFF 2023, ang Rewind

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page