top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Boxer Bautista gold, Gilas Pilipinas wagi

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 14, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 14, 2023



Ikatlong gold medal ang nakuha ni Ian Clark Bautista sa 32nd Southeast Asian Games boxing competition kahapon nang talunin ang Indonesian counterpart sa Chroy Changvar Center Hall G sa Cambodia.


Pinagana ng matikas na si Bautista ang counter punching para maisahan ang mataktikang laro ni Indonesian Asri Udin sa men’s featherweight final. Unang kinapos si Rogen Ladon sa flyweight final match kontra Thailand's Tharanat Saengphet, 5-0. Naka-gold si Ladon noong 2019 PHL at 2022 Vietnam Games. May laban pa habang isinusulat ito sina Irish Magno women’s lightweight finals at Riza Pasuit sa women’s lightweight finals.


Samantala, tuloy ang misyon ng Gilas Pilipinas na mabawi ang ginto sa men’s basketball at pinisak ang Singapore kahapon, 105-45, upang makapasok sa semis sa Cambodia.


Sa tindi ng inilaro ng Gilas ay halos hindi nila pinapuntos ang kalaro sa last 2 minutes at bumuhos ng anim na sunod-sunod para sa pinakamalaking lamang, 105-42. Anim sa Gilas ang nagtapos na may 10 o higit na puntos sa pangunguna ni Marcio Lassiter na may 16, CJ Perez na may 13, Justin Brownlee, Jerome Lastimosa at Michael Phillips na may tig-12 at Brandon Ganuelas-Rosser na may 10.


Samantala, bumawi ang defending Women’s champion Gilas Pilipinas Women at ibinuhos ang sama ng loob sa Vietnam, 116-58. Bumanat para sa pitong three-points si Kate Castillo patungo sa 22 puntos at sinundan ni Jack Animam na double-double na 16 puntos at 13 rebound. Umangat ang mga Pinay sa 3-1 at tumatayong pangatlong sa pitong bansa. Hindi pa naman huli ang lahat at maaaring manatili ang ginto sa Gilas.

Unang ikinadismaya ni SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan ang pagkatalo ng Gilas 5x5 men's, 79-68 kontra Cambodia noong Huwebes ng gabi. "What a disgraceful game for Gilas. An ignominious defeat which will be etched deeply in infamy. SBP - what happened?" aniya sa kanyang twitter account.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page