Box Office Star kasi… BEA, VIP SA TAPING NG SERYE NILA NI DENNIS
- BULGAR
- Sep 22, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 22, 2023

Malaking artista si Bea Alonzo kaya natural lang na special ang treatment sa kanya sa set ng bago nilang serye ni Dennis Trillo sa GMA Network, ang Love Before Sunrise.
May ilang artista ang nai-intimidate kay Bea dahil bukod sa siya ang tinaguriang Drama Queen, Box Office Star pa siya.
Kaya naman, ‘yung mga first timers at baguhang artista na nakakasama niya sa serye ay “Ms. Bea” ang tawag sa kanya. At sa mediacon/special screening ng unang linggo ng Love Before Sunrise, sinabi niya sa kanyang mga co-stars na ‘wag na siyang tawaging “Ms. Bea”.
Medyo naiilang daw siya at ayaw naman niyang ma-intimidate sa kanya ang kanyang mga co-stars. Gusto lang niya na maging professional sila sa trabaho upang magawa nila nang maayos ang kani-kanilang papel sa serye.
Sa Love Before Sunrise ay gaganap si Bea bilang si Stella, ang TOTGA o the one that got away ni Atom (Dennis). Ito ay mula sa direksiyon ni Mark Sicat Dela Cruz.





Comments