Botong-boto para kay Ria… HIRIT NI SYLVIA: ZANJOE, MABAIT AT MARESPETO
ni Nitz Miralles @Bida | December 22, 2022

Muling nagpahayag ng kanyang approval kay Zanjoe Marudo bilang boyfriend ng anak na si Ria Atayde si Slyvia Sanchez nang ma-interview ni Alora Sasam sa ABS-CBN Christmas Special 2022 na naka-upload sa Kapamilya Network’s YouTube channel.
Ayon kay Sylvia, gusto niya si Zanjoe dahil, “Mabait si Z, marespetong bata at gusto ko siya.”
Dagdag pa ni Sylvia, malaki rin ang ipinagbago ni Ria mula nang maging boyfriend si Zanjoe.
“Ang laki ng ipinagbago. Ang laki ng kaibahan. Masaya ako.”





Comments