top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Boto sa ex ng apo, Paulo, 'di raw kilala… IBINUKING NI PILITA: SI RAYVER ANG UMAYAW KAY JANINE

BULGAR
Apr 10, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | April 10, 2022



Ipinagtaka ng nag-iisang Asia’s Queen of Songs na si Ms. Pilita Corrales kung bakit naghiwalay sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz dahil botong-boto siya sa aktor.


Sa panayam ng vlogger-writer na si Timmy Basil sa singer-actress sa isang mediacon ay natanong niya ang tungkol sa apo at sa bago nitong rumored boyfriend na si Paulo Avelino.


Inamin ni Ms. Pilita na nagtataka siya kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon ng apo at ni Rayver.


“Alam mo, I like Rayver. Me too, I don’t know what happened. Ang sinabi, si Rayver ang umatras. ‘Yun ang nadinig ko, ‘yun ang sabi niya, ‘Mita, it’s Rayver.’ Then, what can you do, 'di ba?” katwiran ng magaling na mang-aawit.


“Nasa Amerika si Janine ngayon, alam ko, and I know na nandoon din si Paulo, magkasama?” natawang sabi ng Mamita ng aktres.


Ano ang say ni Ms. Pilita kina Janine at Paulo?


“Well, kung talagang… wala na akong magagawa. If it’s really meant to be, it’s meant to be. Kung talagang nagmamahalan sila, sino ba naman ako para magsabi? Kumbaga, hindi ko pa siya nakakausap until they come back,” sabi ng lola ni Janine.


At nabanggit din ni Timmy dati na sinabi ng lola ng aktres na sana, sa kasalan na mauwi ang relasyon nito kay Rayver.


“Yes, 'di ba? Naawa naman ako ru’n (kay Janine),” malungkot na sambit ni Ms. Pilita.


Nabanggit pa na si Rayver lang daw ang nakilala nitong boyfriend ng apo at nakitaan nito ng magandang asal.


“Kaya ako naman, ayaw ko nang manghimasok. ‘Uy, si Janine pala, may boyfriend na ganito.' Hindi ko naman kilala. Unless Janine talks to me, I cannot say anything. Because I can always say I like Rayver. Mahirap na, eh. Kasi every Sunday dati, they go to my house to have lunch there."


Sabay tanong nito, “Sino ba ngayon (ang BF ni Janine), artista ba? Hindi ko alam.”


At ire-research na lang daw ni Ms. Pilita kung sino si Paulo Avelino.


“Yes, I will research and I will ask Janine if she comes back,” pagsisiguro ng lola ni Janine.


Samantala, sa pagkakaalam namin ay hindi si Rayver ang nakipaghiwalay kay Janine kundi ang aktres mismo dahil may mga gusto pa siyang mangyari sa karera niya at nangyari ang pag-uusap nila noong Oktubre, 2021.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page