Bossing Vic at Willie, naawa, to the rescue… JIMMY, NAWALA SA EB!, NAGTITINDA SA PALENGKE
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 22, 2022

Kahit wala na sa showbiz ang komedyanteng si Jimmy Santos, may pinagkukunan pa rin naman siya ng panggastos sa pangangailangan ng kanyang pamilya. Hindi siya nahihiyang magtrabaho sa palengke bilang meat vendor.
Base sa report, ilang netizens ang nakakita sa kanyang nagtitinda sa palengke sa Angeles, Pampanga.
Kinunan siya ng larawan at videos at saka in-upload sa social media na nag-viral agad.
Aminado si Jimmy na dahil sa pandemic ay nawalan siya ng trabaho. Pero, imbes na magmukmok, he chose to stand up and make a move for his life.
“I will pick up from where I fell,” ani ng former Dabarkads ng Eat… Bulaga!.
Sa kanyang vlog na Tito Jimmy, sakay ng tricycle, pumunta siya sa palengke at nagtanung-tanong kung ano ang malakas na ibenta.
Marami ang na-inspire sa video ng komedyanteng TV host-actor and wish nilang magtagumpay ito sa bagong profession.
Nang malaman ni Willie Revillame ang bagong work ni Jimmy, agad siyang nagpaabot ng tulong dito. Nag-provide ng sasakyan si Kuya Wil at fruit stand business para kay Jimmy.
Binigyan naman ni Bossing Vic Sotto ng bahay at isa pang sasakyan ang dating kasamahang komedyante.
May iba pa ring famous people ang um-assist kay Jimmy.
Samantala, umabot na sa 529K ang subscribers ni Jimmy sa YouTube channel at ang nag-viral video niyang meat vendor ay umabot agad ng 602,000 views in just 2 weeks.





Comments