top of page
SPECIAL ARTICLE - JOSHUA, BINURA ANG MGA POST NA MAKA-VP SARA, IN-UNFOLLOW DIN SA IG PATI

Bossing pinitpit ang lata ng E-Painters 

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 12
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 12, 2026



Bossing vs E-Painters - PBA PH

Photo: PBA PH



Laro ngayong Linggo - Montalban

5:15 PM NLEX vs. Terrafirma

7:30 PM Titan vs. Converge


Dinurog ng Blackwater Bossing ang Rain Or Shine Elasto Painters, 131-108, sa simula ng aksyon sa Grupo B ng 2026 PBA Governors Cup sa Ynares Center Montalban. Nagbunga agad ang mga bagong pirma ng Bossing na determinadong umangat sa ilalim ng liga.


Tila nawala ang depensa at pinayagan ng ROS na bumuhos ang Blackwater ng 36 puntos sa bawat unang tatlong quarter para sa 108-81 lamang papasok sa huling 12 minuto.


Nagpakilala ng mabuti si Kentrell Barkley sa triple double na 29 puntos, 15 rebounds at 10 assist. Malaki ang suporta nina Sedrick Barefield na may 24, RJ Ilagan na may 22 at reserba Dalph Panopio na may 19.


Samantala, puntirya ng NLEX Road Warriors at Coach Jimmy Alapag na umakyat sa 2-0 laban sa Terrafirma Dyip ngayong Linggo sa parehong palaruan. 


"Malayo pa," wika ni Coach Alapag na inihambing ang laro sa unang araw ng pasok sa paaralan. Positibo ang naging epekto ng bagong coach lalo na kay Best Player Kevin Alas na nagsabog ng 19 bilang reserba habang nanguna si import DeQuan Jones na may 23 at 11 rebound.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page