top of page

Boss Emong, Super Sonic at Princess Eowyn sa 14th MHP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 13, 2021
  • 2 min read

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | March 13, 2021



Anim na kabayo ang maghaharap sa 14th Manila Horse Power (MHP) Racing Festival sa Metro Manila Turf Club,Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas sa araw ng Linggo.


Magaganap ang MHP-Cool Summer invitational Races at 4 Year Old and Above Local-Imported Horses na may pa-premyo na P1-milyon na hahatiin sa apat.


Maghaharap ang mga kalahok na Boss Emong, Super Sonic, Princess Eowyn, Tony’s Love, Dragon Butterfly at In The Zone. Makatatanggap ng P600,000 ang mananalo sa laban habang ang pangalawa ay P225,000 , tatanggap ng P125,000 ang pangatlo at P50,000 ang pang-apat.


Kasabay nito may premyo ang bawat karera sa 13 karera at pagkakalooban ng premyo ang mga maliliit na manggagawa sa karera ito’y mula sa mga sota ng kabayo.


Mahigpit na magIalaban ang Boss Emong, Super Sonic, Princess Eowyn, Tony’s Love. Asahan na maglalaban sa unahan sina Princess Eowyn, In The Zone at Super Sonic habang nakasunod ang Boss Emong, Tony’s Love, at Dragon Butterfly na tatawirin ang distansiyang 1,800 meters.


Kasabay nito magaganap ang carry over sa Pick 6 na P456.000, Pentafecta na P58,03704 at Super 6 na 9,700.20 sa karera ngayong Sabado sa Malvar, Batangas.


Sampung karera sa 2021 Philracom Summer Racing Festival at una ang Super Six carry over na 19,700.20, ipinapatok ang Nuclear Bomb na P456,000 II at carry pentafecta over ng P58,037.04 at paglalabanan ng double entry na Wood Ridge/Wakanda,Kusing at Tontoneeto.


Sa Race 3 nakalalamang ang Blackburn at makakalaban ang Calle Loreto na panimula ng 2nd Pick 5, at sa Race 4 nakalalamang ang Toy for the Bigboy, makakalaban ang Critical Moment at subukan ang Lakan Takhan. Sa Race 5 Lady Khaleesi, Heirloom at Magaskawee at Sultanov, sa Race 6 ang 3rd Pick 5 kung saan pinapaboran ang Blue Mist at makakalaban ang Grey Area.


Sa Race 7, ipinapatok ng miron ang Troubadour na tatalunin ang Hamlet at sa Race 8 nakalalamang ang Bitcoin, ang Tulos Express ang tatalo. Sa Race 9 Pulang Pula nakasisiguro at sa Race 10 nakalalamang ang Kaka and Bachi samantalang ang couple entry na Huckleberry at Easy Landing ang tatalo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page