top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Boss Emong kampeon sa PCSO Silver Cup

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 1, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | November 1, 2023


Nasilayan ng mga karerista ang galing ni Boss Emong nang sikwatin ang korona sa PCSO "Silver Cup" na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, Linggo ng hapon.


Kumaripas sa largahan si King Tiger habang pumuwesto sa pangalawa si Boss Emong na sinakyan ni veteran jockey Dan Camanero.


Nasa anim na kabayo ang agwat ni King Tiger kay Boss Emong pero pagsapit ng far turn ay nakuha na ng winning horse ang unahan.


May Ilang metro bago dumating sa home turn ay nasa apat na kabayo na ang abante ni Boss Emong sa humahabol na si Big Lagoon at Don Julio.


Pagdating ng rektahan ay malaki na ang lamang ni Boss Emong kaya kahit malakas ang dating ni Don Julio ay hindi na ito umabot.


Inilista ni Boss Emong ang tiyempong 1:51.6 minuto sa 1,800 meter race sapat upang ibulsa ang P2.4M habang P 800,000 ang kinubra ng second placer na si Don Julio.


Terserong tumawid sa meta si Big Lagoon na nakakuha ng P400,000 habang ang pumang-apat na si Jaguar ay nag-uwi ng P200,000.


Ang pinakawalan na races ay suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page