top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Boss Emong at Big Lagoon mainit sa Chairman's Cup

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 30, 2023
  • 2 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 30, 2023


Magtutuos ngayong araw ang dalawa sa tigasing kabayo sa karerahan na sina Boss Emong at Big Lagoon sa 2023 PHILRACOM “Chairman’s Cup” na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Inaasahang maraming karerista ang nakatuktok kina Boss Emong at Big Lagoon dahil sila ang maiinit na kabayo ngayon lalo na’t mga stakes races ang kanilang napapanalunan. Paniguradong masisiyahan ang mga karerista dahil bakbakan na naman ang kanilang masisilayan sa karerang may distansiyang 2,000 meter race.


Maliban kina Philippine Sportswriters Association, (PSA), Horse of the Year awardee Boss Emong at reigning Presidential Gold Cup champion Big Lagoon, ang ibang tigasing kasali ay sina Ambisioso, Cam From Behind, Don Julio, Gomezian at Robin Hood.


Gagabayan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate si Boss Emong habang si John Alvin Guce ang rerenda kay Big Lagoon sa event na nakalaan ang P2.5M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.


Hahamigin ng mananalong kabayo ang P1.5M premyo, mapupunta sa 2nd placer ang P500,000, ibubulsa ng tersero ang P250,000 habang tig-P125,000, P75,000 at P50,000 ang 4th hanggang sixth ayon sa pagkakasunod.


Sina Boss Emong at Big Lagoon ay mahigpit na magkaribal sa pista pero inaasahang magbibigay din ng magandang laban ang iba nilang makakatunggali.


May siyam na karera ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya masisiyahan ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Lahat ng karera ang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 – Earli Boating (4), Cluster (5), Family Affair (6)

Race 2 – Apo Ni Maria (4), Etnad (2), Mystic (8)

Race 3 – El Mundo (12), Buena Bell (1), Money For Shelltex (9)

Race 4 – Boss Emong (4), Big Lagoon (2)

Race 5 – Magnolia Yana (3), Since When (9), Arubaitosan (5)

Race 6 – Declare For Flare (7), Rocking Bell (11), Mano Po/Full Control (3/3A)

Race 7 – Palauig (2), Bada Ding (7), Atomic Bomb (4)

Race 8 – My Sweet Lord (5), Laktod/Vavavoom (6/6A), Papa Jong (10)

Race 9 – Namaskar (2), Captain Det Det (11), Trust Worthy (12)


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page