Boring daw… HIRIT NG MADLANG PIPOL: KARLA, 'DI KAWALAN SA MORNING SHOW
ni Julie Bonifacio - @Winner | June 25, 2022

As expected, wala na si Karla Estrada bilang isa sa mga hosts sa ABS-CBN's morning show na Magandang Buhay with Jolina Magdangal at Melai Cantiveros. Matatandaan na hindi na napanood si Karla sa Kapamilya celebrity talk show bago pa man niya kinumpirma ang pagpasok sa pulitika.
Ipinost ng writer ng Magandang Buhay na si Darla Sauler sa kanyang Instagram ang piktyur niya with Magandang Buhay hosts at executive producer ng show na si Jasmin Pallera.
“Reunited for the farewell episode of Momshie Karla Estrada on Magandang Buhay! Good luck sa new chapter and journey mo, Mare! Catch this episode soon,” caption ni Darla sa kanyang IG post.
Iba-iba ang reaction ng mga netizens na nabasa namin sa IG post ni Darla sa pagkawala ni Karla sa Magandang Buhay.
“Buti naman. Mas may deserving sa slot niya, sa totoo lang.”
“Mas gusto ko 'yung episodes nina Regine & Judy Ann.”
“Not interested to Karla anymore.”
“Hay, salamat."
“Tapos na, yumaman na siya. Ganu'n naman ang laban, tanggapin na lang, may Diyos.”
“Wala namang bilang si Karla d'yan, boring siyang host. Better for her to leave, hindi siya kawalan sa show.”
“We will miss Ms. Karla sa talk show. Good luck and be safe.”
“Good riddance!!!
May nag-comment na baka raw lilipat si Karla sa bagong TV network na pag-aari ng pamilya Villar kung saan ang TV host na si Willie Revillame yata ang kumukuha ng mga artista.
“Aalis na siya sa ABS?”
“Baka lilipat kay Villar channel.”
May suggestion din ang mga netizens para sa show.
“Sana si Juday na maging regular host.”
“Buti naman aalis na si Karla, pero sana, ituloy pa rin nila ang Magandang Buhay, puwede namang si Jolina at si Melai na lang, mas masaya 'pag silang dalawa lang."
Napag-alaman naming nanalo pala ang partylist na sinalihan ni Karla, pero ‘di naman daw kabilang ang TV host sa mga uupo sa Kongreso representing her partylist.
Baka kinulang ng boto.





Comments