Bordelle, ang husay, Sweet Luck, hinangaan
- BULGAR
- Jan 9, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | January 9, 2022
Ipinakita ni Bordelle ang kanyang galing nang manalo ito sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System kahapon sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.
Ginabayan ni jockey John Paul Guce, inirehistro ni Bordelle ang tiyempong 1:27. 6 minuto sa 1,400 meter race sapat upang ibulsa ang P10,000 added prize para sa winning horse owner.
Dumating na segundo si Majestic Star, tumersero si Wild Act habang tumersero si Happy Kid sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Samantala, hinangaan ng mga karerista si Sweet Luck matapos manalo sa Condition Race (23) na nilarga noong Sabado sa parehong lugar.
Lumabas ng pang-lima si Sweet Luck habang hinawakan agad ni Viscerion ang apat na kabayong bentahe sa unahan. Nanatili ang malaking bentahe ni Viscerion habang lumalapit sa huling kurbada, umuusad naman na sa unahan si Sweet Luck na dumaan sa tabing balya.
Pagdating ng rektahan parang sibat na kumuha ng unahan si Sweet Luck, inagaw ang unahan sa huling 100 metro ng karera at nanalo ng may dalawang kabayo ang agwat sa pumangalawang Viscerion.
Nirendahan ni jockey JC Guerra, inirehistro ng Sweet Luck ang tiyempong 1:13.4 minuto sa 1,200 meter race.





Comments