top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Booster shot, ‘di required sa mga estudyante – DepEd

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 10, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | August 10, 2022



Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) ngayong Miyerkules na nananatiling hindi mandatory para sa mga estudyante na tumanggap ng kanilang primary vaccine series at booster shots bilang preparasyon sa pagbabalik sa in-person classes sa kabila ng panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko, kabilang na ang mga kabataan, na magpabakuna ng kanilang booster dose kontra COVID-19.


Sa isang press conference, tinanong si DepEd spokesperson Michael Poa hinggil sa vaccination policies na ipapatupad ng DepEd, matapos na sabihin ni Pangulong Marcos sa kanyang vlog nitong Sabado na dapat aniya tiyakin na ang lahat, lalo na ang mga bata, ay nakatanggap ng kanilang boosters upang maprotektahan ang sarili laban sa COVID-19.


Ayon kay Poa, sumusunod lamang ang DepEd sa national policy na ang pagbabakuna ay hindi mandatory.


“Of course, we are one with the President in encouraging everyone to get either vaccinated or get their booster shots kung hindi pa sila nakakapagpa-booster. However, as we all know, the government’s vaccination program is not mandatory in nature.


Voluntary pa rin po siya. As a matter of national policy, sumusunod din ang DepEd.


Hindi po tayo mandatory sa DepEd,” paliwanag ni Poa.


Ayon din kay Poa, hindi dini-discriminate ng DepEd ang mga hindi pa bakunado mula sa mga bakunado na, kapwa sa mga learners, at teaching and non-teaching staff.


Una nang sinabi ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na ang pagsasama o commingling ng mga bata na vaccinated na laban sa COVID-19 at mga unvaccinated ay hindi magiging problema kapag nagpatuloy na ang face-to-face classes.


Sa kabila nito, ang DepEd ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) para sa roll out ng mobile COVID-19 vaccination at nagsasagawa ng mga counseling sessions sa mga unvaccinated learners sa mga paaralan.


Binigyan-diin pa ni Poa ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum public health standards, bilang tugon na rin sa pahayag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David nitong Martes na anito, napaka-posible na ang COVID-19 cases sa bansa ay patuloy na tumaas kapag muling nagbukas na ang mga paaralan.


“Siyempre po, we take the OCTA Research seriously, nakakatulong naman po ‘yan as guidance for us. However, if you look at other studies also like UNICEF, there is no direct correlation between in-person classes and transmission as long as nandiyan ‘yung minimum health and safety standards natin,” saad ni Poa.


Ayon naman kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire nitong Martes na palaging may panganib ng transmission ng COVID-19 sa mga matataong lugar, subalit hindi kailangang matakot ng publiko hangga’t ang mga health protocols ay patuloy na sinusunod.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page