Booster dose kontra COVID-19, oks sa sobrang supply ng bakuna
ni Ka Ambo - @Bistado | October 25, 2021
Booster dose kontra COVID-19, oks sa sobrang supply ng bakuna
PUWEDE nang mag-booster dose kontra COVID-19.
Sobra-sobra na kasi ang supply ng bakuna!
◘◘◘
HALOS bina-bahay-bahay para lang magpabakuna nang lahatan ang mga taga-Metro Manila.
Napakalaki ng tama ninyo!
◘◘◘
UMUULAN pa rin.
Ito ay kahit tag-araw na!
◘◘◘
SOBRANG taas ng presyo ng petrolyo.
Bumabawi ang mga buwitre sa laki ng lugi sa panahon ng pandemic!
◘◘◘
ANG mataas na presyo ng langis ay sintomas ng umaandar nang ekonomiya.
Kakambal ng pag-unlad ang pagkagahaman ng mga kapitalista!
◘◘◘
SA aktuwal, napakarami pa ang nagdarahop.
Hindi na maaaring sumaklolo pa ang gobyerno!
◘◘◘
DUMARAMI na ang kaso ng mga pagnanakaw.
Marami kasi ang ayaw mamamatay sa gutom.
Mas gusto nila na ma-salvage na lang!
◘◘◘
ILANG buwan ay tapos na ang termino ni P-Digong.
Aktuwal na hindi niya natuldukan ang illegal drugs!
◘◘◘
WALA na ang POGO ng mga Tsino.
Wala ring trabaho ang mga Pinoy!
◘◘◘
BIGLANG nagging popular ang Dolomite Beach sa Manila Bay.
Isang ambag ni P-Digong sa magandang paligid!
◘◘◘
BUBUHAYIN ang Bataan Nuclear Plant.
‘Yan ang susi sa pag-unlad!
◘◘◘
KAILANGAN ang episyente at tipid na elektrisidad.
Nuclear plant lang ang sagot d’yan!
◘◘◘
ANG totoong kontra sa Nuclear Plant ay ang mga multinational oil companies.
Sila kasi ang mawawalan ng “industriya”!
◘◘◘
ERENG mga gagong Pinoy, nagpapagamit sa mga dayuhang manloloko.
Interest ng dayuhan ang inilalaban ng mangmang na mga Pinoy!





Comments