Boom ganern! BVLGARI NECKLACE NA INEENDORSO NI PIA, IPINASUOT NI HEART SA ASO NIYA
- BULGAR
- Aug 18, 2024
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary| August 18, 2024

Ipinasuot ni Heart Evangelista sa kanyang aso ang Bvlgari necklace na ineendorso ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. Ishinare ni Heart ang picture ng kanyang aspin na si Panda na suot ang Bvlgari necklace.
Ang caption ni Heart, “Heiress @pandaongpaucoescudero.”
Nagkomento si Mariel Padilla ng, “Playtime!!! Hahahaha!” habang si Carla Abellana naman ay nagsabi ng, “Oh, my goodness, the necklace.”
Siyempre, nagpiyesta na naman ang mga fans ng aktres. Samu’t saring komento ang ipinupukol nila sa former beauty queen.
Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Heart at Pia, na nag-ugat sa isyu sa dating glam team ng una.
Nagkomento naman ang direktor na si Darryl Yap sa post ni Heart na may halong intriga. Ilang buwan na ang nakalilipas nang italaga si Pia bilang bagong brand ambassador ng Bvlgari sa Pilipinas. Ibinahagi ng Vogue Philippines ang isang litrato ni Wurtzbach na suot ang sikat na Serpenti necklace at iba pang mga alahas ng brand.
Ibinahagi ng direktor na si Darryl Yap ang screenshot ng post ni Heart na ipinapakita ang mamahaling kuwintas na suot ng kanyang aso.
Sinabi ng direktor na bago siya matulog ay nakita niya ang post ni Heart na ipinapasuot sa kanyang aso ang Bvlgari necklace na ineendorso ni Pia.
Ani Yap, “Ako’y sigurado na nagkataon lang ‘to at walang kinalaman sa away nila at sa gulo sa dating team ni Heart na ngayon ay na kay Pia.”
Fan daw ng GF… GERALD, BINATI SI JULIA SA MOVIE NILA NI JOSHUA

May mensahe si Gerald Anderson para kay Julia Barretto matapos ang screening ng Un/happy For You (UFY). Sa Instagram (IG) page ng actor, nag-congratulate siya sa girlfriend sa pelikula nito kasama ang ex-BF na si Joshua Garcia.
Sabi ng actor, “Congratulations. You worked so hard and deserve everything. I'll always be a fan.”
Ang JoshLia ay nagkaroon ng relasyon noong 2017 at naghiwalay noong 2019. Naging leading lady naman ni Gerald si Julia noong Mayo 2019.
That time, ang karelasyon ni Gerald ay si Bea Alonzo, pero nu'ng taon ding iyon, naghiwalay sila dahil sa umano’y panggo-ghosting ng aktor sa aktres dahil kay Julia, na itinanggi naman ni Gerald.
Na-bash nang todo sina Julia at Gerald ngunit kalaunan, unti-unti ring natanggap ng mga netizens ang tungkol sa JuRald hanggang sa umamin na ang actor na si Julia ang kanyang source of happiness.
Napabalita ring ikinasal na umano sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa Amerika, na pinabulaanan ng aktor.
Pinawalang-katotohanan ng Media Quest ang mga tsismis na magsasara na ang programa ni Willie Revillame na Wil To Win (WTW). Katunayan, naglabas sila ng statement kung saan nakalahad, “Contrary to malicious and false reports, MQuest Venture and Mr. Willie Revillame’s long-term partnership remains steadfast, committed to spreading happiness and creating winning moments for Filipinos. Media Quest is thrilled to celebrate the first month of WTW with Mr. Willie Revillame through WinQuest Productions and we extend our gratitude to our advertisers.”
Tanong ng mga netizens, “Gaano ka-long-term? Sana matagal na ‘wag na s’ya mag-candidate sa Senado.”
May nagsasabi namang, “3 years ang contract n’ya with TV5.”
Biro naman ng isa, “Ah, matagal-tagal pa pala s’yang magagalit.
“Naglabas na ng PR kasi one month pa lang ng show, negative halos feedback ng netizens. Pati sa rating, ligwak din.”
Sey pa ng ibang mga netizens:
“Baguhin ni Willie ang ugali n’ya, the way he handles his crew and staff. ‘Yan ang tagline, gusto makatulong pero sa front of camera, nega vibes s’ya.”
“If not true, why release a statement?”
“With today’s era na leading ang misinformation and fake news, it’s a requirement na i-clear ito.”
“I guess ikaw ang chikadorang mahilig manira. Pero kapag binara ay magpapa-victim.
“PS, I don’t like Willie pero inis na inis ako sa comment mo. Kaya talamak ang fake news and misinformation due to your kind.”





When searching for the ideal gift, consider a women necklace tagua. Tagua, also known as vegetable ivory, is an eco-friendly and sustainable material that adds a unique touch to jewelry. These necklaces come in various colors and designs, making them perfect for any occasion, from casual outings to formal events. A tagua necklace not only showcases a stunning aesthetic but also supports ethical fashion practices. Whether you're treating yourself or surprising a loved one, a tagua necklace is a thoughtful choice that combines beauty and sustainability.