BOOBS NI BEA, NAG-HELLO SA SUOT NA SWIMSUIT
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 19, 2022

Hindi kaya aware si Bea Alonzo sa ipinost niyang photo sa kanyang Instagram account kung saan naka-black swimsuit siya at bahagyang sumilip ang ilalim ng kanyang boobs?
Akmang-akma para sa summer month ang sizzling hot photo ng aktres na kuha sa bakasyon nila ng BF na si Dominic Roque sa El Nido, Palawan nu'ng Valentine's Day. Ang boyfriend pa raw ang nagsilbing photographer niya.
"Hat game strong," ang caption ni Bea.
Mukhang hindi naayos ng aktres ang swimsuit niya kaya nag-hello ang ilalim ng kanyang boobs.
If we're not mistaken, hindi nasakop mabuti ng swimsuit ang buong boobs ng aktres.
Para kasing naipit o napitpit ang parteng ibaba ng boobs na ang pangit tingnan.
By the way, nang muli naming tingnan ang sizzling hot swimsuit photo ni Bea sa GMA News report ay naka-crop na ang picture ng aktres hanggang sa part ng kanyang lower bumper.
Pero nang tingnan namin sa IG account ni Bea ay nandu'n pa rin ang original photo which means hindi pa aware ang aktres kaya hindi pa ito nae-edit.





Comments