Bonggang pamasko… ALDEN, NAMIGAY NG P10 K SA BAWAT KAPAMILYA
ni Nitz Miralles @Bida | December 29, 2022

May post si Alden Richards na “While everyone’s posting picture perfect photos for the holidays... Eto po 'yung amin. Maligayang Pasko po.”
Makikita sa larawan si Alden at ang kanyang pamilya na parang nasa garden, isang malaking payong lang ang nakatakip sa bamboo table kung saan may pagkain at wine na kanilang iniinom.
Comment naman ni Carla Abellana, picture perfect pa rin ang ipinost na photo ni Alden at tama ang comment ng isa niyang follower na “Time spent with family is perfect.”
May nag-comment pa na kakaiba ang picture ng Faulkerson Family at nakakaaliw. Ang importante, sama-sama sila at masaya.
May video naman ang dad ni Alden na si Daddy Bae na namigay ng pera ang aktor sa kanyang pamilya. Nakapila ang pamilya niya na tig-P10,000 yata ang ipinamigay.
After ng Christmas vacation with his family, may dinaluhang sports event si Alden at pagkatapos, dumiretso sa rehearsal for GMA’s New Year Countdown sa December 31. Si Alden kasi ang main host at magpe-perform pa yata.
Of course, inaabangan na ng mga fans ni Alden ang kanyang 31st birthday sa January 2, 2023 at baka sa birthday niya i-announce ang mga susunod niyang projects.





Comments