Bongga, pang-taping lang daw… JILLIAN, MAY PORSCHE NA, MAY 2 BMW CARS PA
ni Nitz Miralles - @Bida | September 15, 2022

Bongga si Jillian Ward, niregaluhan lang naman siya ng parents niya ng white BMW M-Sport at mas bongga ang caption na: “Thank you po, Mama and Papa for my new taping car.”
O, 'di ba? Siguradong pagtitinginan si Jillian at lilingunin pa kapag dumating sa taping ng Abot Kamay Na Pangarap sakay ng kanyang BMW na pang-taping lang niya.
Maaalalang noong March, na-flex ni Jillian na nabili na niya ang dream car niyang black Porsche at ngayon naman, may BMW siya.
In fairness, bagay kay Jillian ang kulay ng kanyang BMW lalo na kung suot ang uniporme ng doctor dahil doctor ang role niya sa Afternoon Prime serye ng GMA-7.
All in all, may three luxury cars na si Jillian dahil bukod sa Porsche, bumili na rin siya ng BMW.
Kung ang white BMW-M ay pang-taping niya, para saan naman kaya ang unang BMW na nabili niya at ang Porsche car?
Hindi kaya lalong ma-intimidate ang mga gustong manligaw kay Jillian dahil wala pa siyang 18 years old, may magandang bahay na at three luxury cars. Bukod doon, maganda rin ang takbo ng kanyang showbiz career.





Comments