Bongga pa rin ang eleksiyon kahit may krisis, naks!
- BULGAR
- Nov 9, 2021
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | November 9, 2021
NAUUSO ang motorcade ng mga kandidato.
Aksaya ng salapi!
◘◘◘
NGAYON na ang pinakamagarbong eleksiyon kahit may krisis.
Nadambong kasi ng mga financers ang COVID-19 fund!
◘◘◘
MALAKING bulto rin ng campaign ay mula sa dalawang superpower.
Ila-launder muna 'yan ng mga NGO at komprador bago ido-donate sa kandidato!
◘◘◘
MARAMI sa nag-file ng COC ay hindi totoong kandidato.
Karaniwan d'yan ay scammer lang!
◘◘◘
MALUNGKOT isipin na ang malaking bulto ng campaign fund ay mai-stranded sa mga kamay lang ng mga lider kuno.
'Yung mga botante ay tatanghod sa “wala”!
◘◘◘
INIHAHANDA na ang face-to-face school classes.
Makakahinga nang maluwag ang mga magulang na naging titser!
◘◘◘
BAKIT kaya ayaw paluwagin nang todo ang vaccination kontra COVID-19.
Kayrami pa ring tsetseburetse bago bakunahan ang mga tao.
Mai-expire lang naman ang mga 'yan!
◘◘◘
DAPAT nang palayain ang mga pribadong grupo na magbenta ng COVID-19 vaccine na commercial grade.
'Pag pinayagan 'yan, tapos na ang krisis.
Ganun lang kasimple!
◘◘◘
DAPAT magsagawa lahat ng LGU ng house-to-house vaccination.
Bakit ayaw ipatupad 'yan?
Sandakot na mangmang!
◘◘◘
KRISIS sa ekonomiya ang aktuwal na problema.
Walang solusyon d'yan si P-Digong!
◘◘◘
BILYUN-BILYONG COVID-19 fund ang hindi malaman kung saan napunta.
Baka ipambibili ng tarpaulin sa kampanya?





Comments