Bongga! JANE AT JANELLA, GINAWAN NG BILLBOARD NG FANS SA TIME SQUARE SA NEW YORK
- BULGAR
- Feb 12, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | February 12, 2023

Nagbigay ng tribute ang JaneNella tandem para sa groundbreaking ng kanilang fandom sa NYC billboard.
Sa ikatlong pagkakataon mula nang umere ang Darna ay nagbuo ng JaneNella fandom ang mga fans and put up a billboard para suportahan sina Jane de Leon at Janella Salvador bilang sina Darna at Valentina.
Pero ngayon, sinisiguro ng fandom na ma-reach ng JaneNella ang attention sa international via digital billboard na naka-display sa Times Square sa New York City.
Ang billboard ay idinisenyo ng Twitter user na si @ravieuth, at tinawag niyang JaneNella tandem as the most unexpected love team of 2022.
May isa pang fandom ang dalawang aktres, ang Darlentina.
Hindi naman nagpatalo ang Jane de Leon at Joshua Garcia fans, gumawa rin ang mga ito ng sarili nilang version para sa billboard, ang JaneShua na makikita sa Lawton.
Pinasalamatan naman ni Jane ang mga fans sa kanyang Instagram Story.





Comments