ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 14, 2024
Bumati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa publiko para sa Valentine’s Day.
Ibinahagi ni Marcos ang isang larawan kung saan nakayakap siya sa kanyang asawa na may caption na, “Happy Heart’s Day, whether you’re celebrating love for yourself or for another!”
Nag-post rin ang First Lady ng kanyang pagbati na nagsasabing, “As they say... love conquers all.”
Sinabi rin ng mag-asawa na nagluluto ang Pangulo sa bahay, at nagkakaroon sila ng date nights tuwing Miyerkules kung pahihintulutan ng kanilang schedule.
Comments