Bong sa mga nag-aakusa sa kanya: 'Di ko alam kung paano kayo nakakatulog
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
by BRT @News | February 13, 2026

Photo: Circulated / Bong Revilla Jr.
Dumalo si dating Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa ikalawang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) kahapon, kaugnay ng reklamong plunder na isinampa laban sa kanya.
Konektado ang reklamo sa umano’y anomalya sa mga proyektong flood control na kanyang kinahaharap.
Sa pagharap sa media, hindi napigilan ni Revilla na batikusin ang mga nag-aakusa sa kanya.
“Hindi ko alam kung paano nakakatulog 'yung mga nag-aakusa sa akin,” ani Revilla.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng DOJ ang kaso upang matukoy kung may sapat na batayan upang maisampa ang pormal na kaso sa korte.
Matatandaang sinampahan ng mga kasong graft at malversation ng Office of the Ombudsman si Revilla at anim (6) na iba pang executives mula sa Department of Public Works and Highways sa Bulacan 1st District Engineering Office dahil sa umano’y P92.8 million ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.








Comments