ni Angela Fernando @News | July 30, 2024

Nagpahayag si Senador Bong Go na tinanggalan na siya ng kanyang security detail bago pa man alisan ng seguridad si Bise-Presidente Sara Duterte. “Hindi siya nag-iisa dahil unang-una, ako rin po ay natanggalan ng security.
Mas nauna pa ako sa kanya. Siguro mga three weeks ago pa ito,” paglilinaw ni Go. “Concerned rin po ako kahit papaano. Ako nga mismo senador, alam niyo ang trabaho namin ay kahit saang sulok po ng Pilipinas umaabot po ako.
Nandiyan po kahit papaano 'yung risk, 'yung threats sa buhay namin," dagdag pa nito. Iginiit naman ni Go na sanay na siya dahil kahit saan ay nilalakad niya rin. Matatandaang nagreklamo ang Bise-Presidente matapos bawiin ng Philippine National Police (PNP) ang 75 pulis mula sa kanyang security detail, na kanyang pinaniniwalaang paraan ng political harassment.
Comentários