top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bong Go-Digong, babanggain talaga ang BBM-Sara

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 15, 2021



SHOCKING ANG BONG GO-DIGONG TANDEM PARA BANGGAIN ANG BBM-SARA TANDEM--Ang pagsabak ni Presidential daughter Mayor Sara Duterte-Carpio sa national position at pagpa-file ng candidacy for vice-president ay hindi na ikinabigla ng publiko kasi sa dami ng tarpaulin at billboard nito sa iba't ibang panig ng bansa ay talagang alam na ng mga Pinoy na kakandidato ito sa mataas na posisyon.


Pero ang ikinabigla ng publiko ay ang pag-file ni Sen. Bong Go for president, at sa napipintong pag-file ni P-Duterte for vice-president para banggain sa pagka-VP ang anak na si Mayor Sara kasi ang buong akala ng mga Pinoy, susuporta si P-Duterte sa Bongbong Marcos-Sara Duterte tandem.


'Ika nga, mas shocking ang pagkakaroon ng tandem na Bong Go-Digong tandem para banggain ang Bongbong-Sara tandem, boom!


◘◘◘


DDS AT LOYALISTS, NAGBABANATAN NA SA SOCIAL MEDIA--Matapos mag-file ng candidacy for president si Sen. Bong Go at sabihin ni P-Duterte na ito ang presidente niya at hindi si BBM, inaatake at binash na sila ng mga loyalista.


Siyempre, hindi naman patatalo ang mga DDS, todo-tanggol sila kina P-Duterte at Bong Go, inaatake rin nila ang mga loyalistang namba-bash sa pangulo at senador.


Ganyan ang pulitika sa 'Pinas, ang mga dating magkakampi ay naglalaban at pati ang kanilang mga supporters ay join sa magulong mundo ng pulitika, period!


◘◘◘


SABLAY ANG PAMBUBUWISIT NG MGA DDS AT LOYALISTS KAY VP LENI KASI SA HULI AY SILA LANG ANG NABUWISIT--Nang mag-file ng candidacy for VP si Mayor Sara, nagbunyi ang mga loyalista at DDS kasi para sa kanila ay malakas na tandem ang Marcos-Duterte at sa social media, inasar na ng mga Marcos supporters ang kampo ni Vice-Pres. Leni Robredo na kesyo wala na itong panalo dahil sa paniwalang susuportahan ng malakas na makinarya ng Duterte administration ang tambalang Bongbong-Sara.


Kaya lang, sablay pambubuwisit ng mga loyalista at DDS kay VP Leni kasi sa huli ay sila ang niresbakan ng mga "kakam-PINK" ng bise-presidente kasi hindi pala ang BBM-Sara tandem ang suportado ng Malacañang, kundi ang Bong Go-Digong tandem, boom!


◘◘◘


PAGHATI NG SUPPORTERS NG PAMILYA DUTERTE AT PAMILYA MARCOS, MALAKING BENTAHE KAY VP LENI--Sa totoo lang, malaki ang naging bentahe ng kandidatura ni VP Leni sa paghihiwalay ng puwersa ng dating magkaalyadong P-Duterte at Marcos.


Ang mga supporters kasi ni VP Leni ay solid lang sa kanya, pero ang mga supporters ng pamilya Duterte at Marcos ay hati na, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page