Bong at Jinggoy, present… SEN. LITO, AYAW PUMUNTA SA BUROL NI LOLIT
- BULGAR

- Jul 9, 2025
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 9, 2025
Photo File: Lito Lapid - Instagram
Marami ang nag-abang kay Sen. Lito Lapid sa lamay ni Manay Lolit Solis. Naging malapit din kasi ang veteran host/talent manager kay Sen. Lapid. Tinulungan ni Lolit na ilapit si
Sen. Lito sa entertainment media bago ang midterm elections noong Mayo.
Kaya ine-expect ng marami na isa si Sen. Lapid sa unang makikiramay kay Manay Lolit Solis, bukod kina Bong Revilla, Alfred Vargas, Boyet de Leon, Paolo Contis, Benjie Paras, Tonton Gutierrez, atbp. mga anak-anakan ng talent manager.
Pero ayon sa isang staff ni Sen. Lapid, hindi raw talaga siya pumupunta sa lamay ng patay.
Ganunpaman, nagpadala naman ito ng bulaklak at nagparating ng pakikiramay sa pamilyang naulila ni Manay Lolit.
At hindi sila nagkita ni Lorna Tolentino na inili-link ngayon sa kanya, dahil sa tambalan nila sa Batang Quiapo (BQ).
Sa July 20 ay parehong magdiriwang ng kanilang kaarawan sina Sue Ramirez at Dominic Roque.
Twenty-nine na ang aktres at 35 naman ang aktor, nasa tamang edad na sila upang bumuo ng sariling pamilya.
Kaya naman sa kanilang sabay na kaarawan sa darating na July 20, may mga fans ang naghihintay kung may magaganap na wedding proposal.
Handa na ba si Dominic Roque na iwanan ang kanyang buhay-binata? Si Sue na ba ang kanyang “the one”?
Si Sue noon pa ay nagsasabing handa na rin siyang magpakasal sa lalaking ibibigay sa kanya ng tadhana. At mukhang seryoso naman si Dominic sa relasyon nila ni Sue.
Hindi ito masasabing love on the rebound, dahil naka-move on na rin siya sa breakup nila ni Bea Alonzo. Kaya nang bumuo ng pamilya si Dominic dahil may mga negosyo siya at financially stable na.
IKINATUWA namin na makita si Sen. Jinggoy Estrada sa wake ni Manay Lolit Solis. Noon, akala namin ay napipikon siya dahil tinatawag siyang ‘suplado’ at ‘kuripot’ ng yumaong veteran host/talent manager.
Madalas din siyang ikumpara ni Manay Lolit kay Bong na napakagalante at champion ang PR sa entertainment press.
Bihira rin kasing makita si Sen. Jinggoy sa mga showbiz events at bihirang-bihira na makipag-bonding sa mga reporters.
Kaya kami mismo ay nagulat nang dumalaw si Sen. Jinggoy sa wake ni Lolit. Matagal din na nakipagkuwentuhan si Sen. Jinggoy sa BFF niyang si Bong Revilla at sa iba pang aktor tulad nina Boyet de Leon, Tirso Cruz III, Benjie Paras, atbp..
Well, likas lang ang pagiging tahimik at pormal ni Sen. Jinggoy Estrada kaya akala ng iba ay suplado siya. Pero off-cam ay may pagka-komedyante rin siya.










Comments