top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

BONG, AAMININ KUNG ILAN ANG ANAK SA TAMANG PANAHON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 4, 2023
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 4, 2023



Parang hindi galing sa operasyon ng gallbladder si Sen. Bong Revilla, Jr. nang humarap sa mga kaibigang entertainment press kahapon para i-announce ang kanyang upcoming rom-com-action series na nakatakdang umere sa GMA-7 sa June, ang TV adaptation ng dati nilang movie ni Congresswoman Lani Mercado na Walang Matigas na Pulis sa Matulis na Misis.


Mukhang healthy and fit na uli ang aktor-senador, although aniya, bawal pa siya ng mabibigat na workout at hanggang walking lang muna.


Pero bago pa siya naoperahan, handang-handa na raw sana siya sa pagbabalik-TV at naikondisyon na niya ang katawan.


Biniro nga namin siyang hindi na siya makakapag-topless niyan at natatawa naman niyang sagot, kering-keri pa rin daw dahil maliliit lang naman ang cut sa kanyang tiyan dahil sa operasyon.


Ayaw pang sabihin ni Sen. ang kanyang magiging leading lady sa bago niyang show, basta first time raw niyang makakasama ito.


Masyado na raw busy si Congw. Lani kaya hindi na ito umubra para maging leading lady niya sa TV adaptation ng Walang Matigas na Pulis sa Matulis na Misis.


Anyway, tinanong namin si Sen. Bong kung ano pa ang nakakapagpa-excite sa kanya sa 36 yrs. na nilang pagsasama ni Congw. Lani bilang mag-asawa. Kamakailan kasi ay nag-celebrate sila ng kanilang wedding anniversary.


Aniya, "Well, kailangan hindi maging boring ang buhay mo, eh, 'di ba? Everything, everyday dapat may challenges 'yan sa partner ko o sa buhay ko. Kailangan, palagi 'yung pananabik sa isa’t isa. Kasi 'pag naging boring 'yung buhay n’yo together, wala na 'yan. That’s the end of your love life.



"Kailangan, nandu'n pa rin 'yung spice, 'yung 'pag naiirita na kayo sa isa’t isa, medyo humiwalay ka muna ng kuwarto. Du'n ka sa kabilang kuwarto. O, kung may bahay ka, ru'n ka muna sa kabilang bahay mo. Para ‘pag nagkita kayo ulit, nandu'n pa rin 'yung gigil."


Dagdag pa ng senador, wala namang perpektong relasyon at paminsan-minsan ay nagkakainisan pa rin talaga sila ni Congw. Lani.


Natanong siya kung good boy na ba ngayon.


Sagot niya, "I’m always a good boy, as long as hindi mo pinababayaan ang pamilya mo, at asawa mo. Walang perpektong tao, eh. Ayokong ikumpara 'yung buhay ko sa ibang tao, sa buhay ng iba. Siyempre, 'yung buhay ko, sa akin ‘yun, eh. Ako kasi, ang relasyon ko kay Lani, no matter what, hindi ko siya iiwan."


At bakit all these years, sila pa rin ni Congw. Lani ang magkasama?


"Kasi ayun din 'yung sinabi ng daddy ko, eh, 'Anak ‘wag mo kong gayahin,' 'yun 'yung pinangaral niya, 'yung sinabi niya sa akin bago siya mamatay. Pinagsisisihan niya 'yung mga ginawa niya, 'yung marami siyang anak.


"Hindi naman ako ganu'n. Meron akong ilan, naramdaman n'yo 'yun. Even… siguro, eventually, sasabihin ko rin naman 'yan, eh, kung ilan 'yung anak ko dati, 'di ba? Kung ilan talaga 'yung anak ko, 'di ba? That will come. Ilan lang ‘yan, hindi pa lumalagpas ng lima," ani Sen. Bong na sinundan ng tawa.


Aniya, alam naman ng kanyang misis ang tungkol du'n pero 'di na siya nag-elaborate pa.


Sabi naman ng manager niyang si Manay Lolit Solis, masuwerte pa rin si Congw. Lani dahil kung nagmana raw si Sen. Bong sa tatay niyang si the late Ramon Revilla, Sr., baka 19 na ang anak ng senador.


Napa-react tuloy si Mrs. Revilla ng… "Hindi ko kaya 'yun! Hindi ko kaya 'yun! Jusko!"


Hahaha!



Puwede raw siyang makipagplastikan sa TV host…

LOLIT: WILLIE, 'DI KAWALAN



Speaking of Manay Lolit Solis na nakatsikahan din namin kahapon, hindi niya ipinagkaila na may inis siya kay Willie Revillame at dahil daw 'yun sa isang dating staff ng TV host na malapit din kay Manay na tinanggal sa trabaho ni Kuya Wil nang magkasakit at hindi na sinuportahan kaya raw nasa Home for the Aged ngayon.


Sa tanong namin kung 'di ba sila okay ngayon ng TV host, ayon sa manager na nagkibit-balikat muna, "Puwede namang mabuhay nang wala si Willie Revillame. Bakit ako makikipagkaibigan sa kanya? 'Di naman kailangang makipagkaibigan sa kanya, 'di ba?


"Saka 'yung nakita kong nagsumbatan sila, nu'ng sumbatan niya si Cristy (Fermin) ng mga bigay niya, sino'ng gustong makipagkaibigan sa taong isusumbat sa 'yo ang mga ibinigay sa 'yo, 'di ba?"himutok niya.


Pero kung sakaling tumawag sa kanya si Willie para makipag-ayos, willing siya?


"Oo, puwede naman akong makipagplastikan kahit kanino. Reyna naman ako ng plastik," hirit ni Manay Lolit sabay tawa.


Hahaha! But knowing Manay Lolit na malambot din ang puso, I'm sure 'pag nahilot siya ni Willie (Isang Rolex ba, Manay? Char!), magkakaayos din sila.


Holy Week na kaya love, love, love na lang at wa' nang nega, 'no!




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page