Bonding nila ni Brian Poe, kumalat… YASSI, HINIWALAYAN NA NG CANADIAN BF, IN-UNFOLLOW PA SA IG
- BULGAR
- Aug 14, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | August 14, 2023

Sa kabila ng sunud-sunod na engagement at wedding ng mga celebrities na nababalitaan natin, meron ding pa-reveal ng breakup si Yassi Pressman.
Sa kanyang Instagram ay magkasunod ang mga cryptic posts ni Yassi. At isa sa mga naturang posts ay tila may pahiwatig na wala na sila ng Canadian businessman-boyfriend niyang si Jon Semira.
Mensahe ni Yassi sa isa sa mga IG posts niya four days ago (Thursday), “Not triple. not double. but SINGLE.”
Kasama sa entry na ‘to ni Yassi ang series ng black and white photos niya kung saan makikita sa kanyang tagiliran malapit sa kanyang breast ang isang hummingbird na tattoo.
Caption ni Yassi sa kanyang IG post: “It’s nice to be free like this Hummingbird on me.”
And then, sinundan ito ng art card post niya last Saturday na naglalaman ng kanyang pinagdaraanan sa kasalukuyan.
Mensahe ni Yassi, “Be so proud of yourself for how you’re handling this year. You’ve fought many silent battles, you had to humble yourself, wipe your own tears, and pat yourself on the back. Be proud of yourself.”
Comment ng netizen, “Press statement kung press statement. Haha.”
Tila na-confirm naman ang breakup ng dalawa ng mga netizens dahil sa pag-unfollow ni Jon kay Yassi.
“Unfollowed agad ni guy.”
“‘Di ba may business sila together? Paano ‘yan?”
“Kung kelan sila lumantad, tsaka nag-break.”
But wait, ‘di kaya third party ang rason ng hiwalayan nina Yassi at Jon? Kung ‘huhukayin’ kasi ang mga previous posts ni Yassi sa kanyang Instagram, makikita na kasama niya ang anak ni Senador Grace Poe na si Brian Poe sa kanyang sniper training.
And knowing ang mga Marites sa socmed, madalas nauuna pa silang magkonek ng relasyon kapag may mga ganyang ganap tulad ng magkasama sina Yassi at Brian.
“Bagay kayo.”
“Both astig na astig! Remake ng action movie of FPJ to both of you.”
And speaking of FPJ, duda ng ilang netizens na baka ipasok si Yassi sa Batang Quiapo sa pansamantalang pagkawala ng leading lady ni Coco Martin sa serye na si Lovi Poe.
“Pasok daw siya sa BQ. Temporary mawawala si Lovi.”
Puwede.





Comments