Bolts, sa twice-to-beat spot na ng playoffs
ni Gerard Arce - @Sports | September 23, 2021

Ipinoste ng Meralco Bolts ang second spot at nakatiyak na sa twice-to-beat advantage papasok ng quarterfinals para matakasan ang NLEX Road Warriors, 104-101 kahapon sa PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.
Maghihintay na lang ang Bolts sa makakalaban nito matapos ang 8-2 kartada, habang may nalalabi pang isang laro kontra Brgy. Ginebra Kings ngayong 2 p.m. “Yung focus namin today is manalo, yung laro namin bukas, we just prepare it later or bukas ng umaga. Ang paalala lang naman lagi sa amin ni coach (Norman) na we neet to get the momentum, and we need to be better at ma-level up pa yung performance namin para makarating kami ng finals,” pahayag ni Allein Maliksi matapos ang laro na nanguna para sa Bolts sa 22 pts. Sumegunda si rookie Alvin Pasaol na may 17 pts at Mac Belo sa 16 pts. Natupad ang pagnanais ni Meralco head coach Norman Black na makamit ang sunod-sunod na panalo. Ito ang kauna-unahang beses na nakakuha ng twice-to-beat advantage ang Bolts sa Philippine Cup na naglaro na wala ang ibang players na sina Aaron Black (injury) at Reynel Hugnatan (personal). “It’s just a game we want to win, playing back to back games this is a crucial and important one. The guys played hard for the win. More on the guys that have been here and we’re happy to get the 1st time the Meralco gets the twice-to-beat,” saad ni Black.
Nasayang ang career-high performance ni Road Warriors rookie Calvin Oftana na rumehistro ng 34-points habang naglista ang bigmen na sina Raul Soyud sa 14 pts at Jr Quinahan sa 13 pts. Tiyak ng pasok sa quarterfinal round ang Road Warriors, ngunit nanganganib pa itong malaglag sa 7th spot sakaling magtagumpay ang Northport Batang Pier kontra sa Alaska Aces ngayong araw ng 4:35 p.m.





Comments