Bolts, lumiwanag ang buhay; TNT, dinalawahan na ang SMB
- BULGAR
- Oct 9, 2021
- 2 min read
ni Gerard Arce - @Sports | October 09, 2021

Nakasungkit ng unang panalo ang pilay na Meralco Bolts para lutuin ang Magnolia Pambansang Manok Hotshots, 91-86, habang punong-puno naman ng kargang opensa ang TNT Tropang Giga na nilasing ang San Miguel Beer sa bisa ng 115-98 upang makuha ang 2-1 kalamangan sa Game 3 ng best-of-seven semifinal series ng 46th PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.
Pumukol si Meralco guard Nards Pinto ng 16 puntos, habang nanguna sa iskoring si Chris Newsome sa 17pts, gayundin ang pinagsamang 24pts nina Mac Belo at Noy Baclao. Nasayang ang pamumuno ni Paul Lee na umatake para sa Magnolia sa 18pts, katulong si Ian Sanggalang sa 15pts at pinagsamang 22pts mula kina Calvin Abueva at Rome Dela Rosa.
“We’re struggling a little bit because of lack of manpower. It hurts us a little bit as far as depth is concerned. I think we just played with a big heart,” pahayag ni Bolts coach Norman Black na nakuha ang panalo na umikot lamang sa 9 na manlalaro at wala ang starting center na si Raymond Almazan na dumanas ng ankle sprain, habang hindi rin naglaro sina Rookie Aaron Black, 2020 9th overall pick Alvin Pasaol, Travis Jackson at Raymon Jamito. “We looked at this as a do-or-die game. We treated it like there’s no tomorrow for us. I Just told the guys to stabilize and get the offense right,” dagdag ng PBA Grandslam coach at 5-time UAAP titlist.
Samantala, trumabaho ng todo ang mga bataan ng Tropang Giga matapos kumana ang lahat ng starters na sina RR Pogoy sa 26 puntoskaantabay sina Poy Erram na may double-double sa 21pts at 13 rebs.
Walang naging sagot ang Beermen sa matinding opensa ng TNT para sa pinakamalaking kalamangang 25-puntos sa 101-76 sa 7:36 ng 4th period. Nasayang ang tikas sa Beermen ni Terrence Romeo na may 22pts kaambagan sina 6-time MVP June Mar Fajardo sa 14pts.
Naitala ng Meralco ang pinakamalaki nitong kalamangan sa pagpasok ng 4th period sa 75-54 sa buslo ni Belo.





Comments