Bolts, kinuryente ang Dyip; New Zealand, tinalo ang India
Updated: Feb 26, 2022
ni Anthony E. Servinio/GA - @Sports | February 25, 2022

Tumindig sa kanilang mainit na opensa sa first half hanggang sa Rrd period ang Meralco Bolts upang mapanatiling matatag ang kalamangan kontra sa Terrafirma Dyip para makuha ang 107-95 na panalo at mapatatag ang pwesto patungong quarterfinal round ng PBA Governor’s Cup elimination round sa Ynares Center sa Antipolo City.
Muling hinirang na best player of the game si Allein Maliksi na bumuslo ng 18 puntos, para sa ikalawang sunod na panalo matapos mabulilyaso at maisahan ng Northport Batang Pier noong Pebrero 17 at mapatatag ang solo second-place sa team standings. Patuloy na nanguna sa atake si import Tony Bishop sa game-high 26pts.
Nabalahaw ang Dyip sa kanilang ikalawang sunod na pagkatalo at nanganganib na mahulog sa playoffs sa 2-5 marka na nasayang naman 23-pts at 17 rebs ni import Antonio Hester.“A lot of credit sa mga team mates ko. We all see this game as a wake-up call sa pagkatalo namin against Northport and much better na mas maaga nangyari yun,” wika ni Maliksi.
Samantala, nagpadala ng mensahe ang New Zealand sa kanilang walang-awang 101-46 pagdurog sa India sa simula ng mga laro kahapon. Humataw agad ang Tall Blacks sa first quarter, 32-8, sa likod ng 16 puntos ni forward Tom Vodanovich at hindi na lumingon pa.
Nagtapos si Vodanovich, ang 2020 NZNBL MVP, na may 21 puntos sa 25 minuto lang at maagang pinahinga ni Coach Pero Cameron. Sinundan siya ni Ethan Rusbatch may 18 puntos at Rob Loe na double-double na 15 puntos at 10 rebound.
Nagtala ng 5 puntos ang reserbang si Taane Samuel na dating naglaro para sa De La Salle University. Ang isa pang dating UAAP na si Richie Rodger ng UE ay hindi inilista ang pangalan para sa laro.
Nakatakdang magharap ang New Zealand at Pilipinas sa Linggo simula 7:00 ng gabi sa Araneta Coliseum pa rin. Magkikita muli ang Tall Blacks at India sa Lunes sa huling araw ng qualifier window.





Comments