Body cam sa mga parak ‘pag may operasyon, oks para iwas EJK at tanim-ebidensiya, period!
- BULGAR

- Dec 12, 2020
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 12, 2020
BATIKUSAN AT ARESTUHAN SA HUMAN RIGHTS DAY—Sa selebrasyon ng International Human Rights Day kamakalawa, binatikos ng mga militanteng grupo si P-Duterte dahil sa mga paglabag nito sa karapatang-pantao, at habang nambabatikos, inaresto naman ng mga pulis ang pitong aktibista, kabilang ang babaeng journalist.
Ganyan kung i-celebrate ng mga Pinoy ang human rights day, batikusan at arestuhan, boom!
◘◘◘
PARANG SINABI NG DDB NA BIGO ANG DRUG WAR NI P-DUTERTE—Inamin ni DDB (Dangerous Drug Board) Chairman Catalino Cuy na hindi magiging drug-free ang Pilipinas sa pagtatapos ng termino ni P-Duterte sa June 30, 2022.
Sobrang malala na talaga problema ng ilegal na droga sa bansa at parang sinabi na rin ni Cuy na bigo ang drug war ng Pangulo, period!
◘◘◘
WALA NA YATANG ATRASAN, GAWANG CHINA NA ANG IPAMBABAKUNA SA MGA PINOY—Sabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez ay posibleng sa first quarter ng 2021 ay makakuha na ang Pilipinas ng bakunang Sinovac na gawang China bilang panlaban sa COVID-19.
Kung totoo ‘yan, ibig sabihin ay bakunang gawang China talaga ang type ipabakuna ng gobyerno sa mga Pilipino kasi sa tema nang salita ni Galvez ay parang wala nang atrasan ang pagbili ng pamahalaan sa Sinovac vaccine, boom!
◘◘◘
DAPAT LANG NA MAY BODY CAM ANG MGA PARAK SA KANILANG OPERASYON—Nais ni Sen. Kiko Pangilinan na magpasa ng batas na oobligahin ang mga pulis na magsuot ng body cam sa kanilang mga operasyon.
Mainam ‘yan, para nga naman hindi mapagbintangan ang mga parak na nagsasagawa sila ng EJK at ‘tanim-ebidensiya’, period!





Comments