Blockbuster lahat ng sexy films… ANGELI, REYNA NG VIVAMAX, AJ PRINSESA LANG
ni Julie Bonifacio - @Winner | May 27, 2022

For the first time ay nakatsikahan namin ang sexy star na si Angeli Khang pagkatapos ng private screening and mediacon ng latest Vivamax film titled Pusoy produced by Centerstage Productions and Viva Films last Wednesday.
Si Angeli pala ang binansagang Reyna ng Vivamax pagkatapos ma-validate na ang mga pelikula niya ang may most number of views sa streaming platform ng Viva Films.
"I’ve heard, yes,” pagkumpirma ni Angeli sa pangunguna ng mga pelikula niya sa Vivamax.
Kung si Angeli ang ‘reyna’, safe to say ba na ang isa pang sexy star ng Viva Films na si AJ Raval ang ‘prinsesa’ ng Vivamax?
Natawa si Angeli bago nagbigay ng pahayag.
“Hahaha! Uh, she’s a queen. Before me, there was her,” sabi ng leading lady sa Pusoy.
Wala raw rivalry sa kanila ni AJ. Magkaibigan daw sila.
“Yes, we’re really good friends and siya rin ang tumulong sa akin sa pinakauna kong… (nu'ng) pumasok sa Taya, kung paano atakihin when it comes to sexy scenes,” aniya.
Ramdam daw ni Angeli ang pressure sa pagiging ‘reyna’ ng Vivamax.
“I think, pagkapasok na pagkapasok mo pa lang as an artist, may pressure na talaga. Every time na may movie ako and may projects with people, talagang pressured pa rin ako until now. And may pressure pa rin nu’ng marinig ko na blockbuster ako. Pero most of all, ‘yung nangibabaw is happiness na hindi ako makapaniwala na, ‘Oh, my gosh! Number one blockbuster pala ako and sobrang nakakataba ng puso,'” pahayag ni Angeli.
At ngayong araw, Biyernes, masusubok muli ang pagiging “reyna" ni Angeli sa Vivamax with the release ng latest film niyang Pusoy with award-winning actors na sina Baron Geisler at Vince Rillon sa direksiyon ni Phil Giordano na nag-aral at nakagawa na ng pelikula sa New York.
Ang PUSOY ay kuwento ni Popoy (Vince Rillon), isang ambisyoso at batang bodyguard na nagtatrabaho sa isa sa pinaka-notorious na pasugalan na pag-aari ni Rodolfo (Baron Geisler), isang malupit na gambling lord, at mina-manage ni Xandra (Janelle Tee), isa sa mga babae ni Rodolfo.
Tapat sa kanyang tungkulin kay Rodolfo si Popoy, ngunit may ambisyon siya na balang-araw ay mapasakanya ang pasugalan. At nakahanap siya ng makakatulong sa kanyang ambisyon nang makilala at ma-in love siya kay Mika (Angeli), ang bagong babae ni Rodolfo.
Bukod sa batikang aktor na si Baron Geisler, ang PUSOY cast ay puno ng mga young at talented actors and actresses. Nand'yan si Vince Rillon na gumanap na sa telebisyon at sa mga pelikula. Kabilang na rito ang mga pelikula ng Cannes Best Director na si Brillante Mendoza gaya ng Captive, MaRosa, Amo at Resbak.
Kasama rin siya sa VIVAMAX original content gaya ng Siklo, Sisid, L: The Series at Kaliwaan.
Si Angeli naman ay ang VIVAMAX K-Krush na gumanap sa chart-topping VIVAMAX originals gaya ng Taya, Mahjong Nights, Eva at Silip sa Apoy.
Kasama rin sa pelikula ang dating Miss Earth Philippines 2019 at dating host ng Wowowin na si Janelle Tee na mapapanood din sa Putahe.
And speaking of AJ, tinanong namin si Angeli kung aware ba siya sa tsismis na buntis ang kapwa niya Vivamax star.
“Uhm, is she really?” may dudang sagot ni Angeli sa amin. “I think na, wala naman akong, as long as wala akong naririnig kay AJ mismo, I won’t believe it. Kasi as an artist, there’s a lot of things, there’s a lot of rumors surrounding us and uhm, whatever man, kung anuman ang nangyayari sa kanya, as long as she’s happy and she has inner peace, ‘yun po.”
Natawa naman si Angeli when we mentioned to her na if true na buntis si AJ, maso-solo na niya ang trono bilang Reyna ng Vivamax.
“I think hindi naman. Ang trono para sa aming lahat na nagse-sexy, kasi hindi talaga biro maghubad, ipakita ‘yung katawan mo in front of a lot of people. International na ‘yun, biruin mo. And I think lahat ng trono, deserved namin and even ‘yung mga hindi naghuhubad.”
Anyway, feeling very blessed si Angeli to have worked with Direk Paul for Pusoy at Direk Brillante para sa susunod pa niyang pelikula, ang Virgin Forest for Vivamax.
Si Direk Brillante ang director at producer ng Virgin Forest. Iba raw talaga kapag ang international award-winning director ang nag-handle ng artista sa set.
“I think, Direk Brillante is Direk Brillante, kahit ano’ng gawin niya sa set. Talagang iba rin ‘yung atake ni Direk Brillante. Iba rin ang atake ni Direk Phil. Kinabahan ako (kay Direk Brillante) in a way na wala siyang script. Pagkapasok na pagkapasok ko sa set, ‘Hala, wala man lang ako’ng pinaghandaan.’ Para akong nag-vacation. Pero, realizing na nakakatulog ako nang maayos, nang hindi ko kailangang mag-memorize ng script and mas na-appreciate ko actually ‘yung walang script sa pinakadulo, kasi free ka as an actor,” sabi pa ni Angeli.





Comments