Blind item, pinangalanan ng mga netizens… SARAH, NIYAYA RAW NG LAPLAPAN SI MICHELLE, TINANGGIHAN
- BULGAR
- 1 day ago
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 10, 2026

Photo: Sarah Lahbati, Xian Gaza at Michelle Dee - FB
Unfair para kay Sarah Lahbati na pangalanan ng ilang netizens bilang subject diumano sa blind item ng Pambansang Marites na si Xian Gaza tungkol sa isang famous celebrity na pa-victim umano at nagpapanggap na ulirang ina, gayung may kakaiba naman itong mga ginagawa.
Parte ng ipinost na BI (blind item) ni Gaza sa kanyang Facebook account: “Inaya ng laplapan si Michelle Dee (sa Forbes mansion ng isang very famous congressman na anak ng bilyonaryo) ngunit hindi siya pinatulan nito.”
Bagama’t walang binanggit na pangalan ang Pambansang Marites, agad ikinonek ng mga netizens kay Sarah Lahbati ang blind item dahil sa sinabi ni Xian na: “Si famous celebrity mom natin ay permanently banned din sa maraming bars and clubs around Metro Manila dahil siya ay sinasaniban ng masamang espiritu tuwing nalalasing. Pinerahan din niya ng malala ‘yung isang major stockholder ng Jollibee kaya nagalit sa kanya ‘yung anak ng isang top government official at Sinipa Siya nito palabas sa kanilang grupo dahil isa-isa niyang hina-harvat ang mga kalalakihan sa loob ng billionaire'S circle.”
Kung matatandaan, ilang buwan na ang nakararaan ay nagkaroon ng isyu kay Sarah Lahbati na diumano’y ineskortan palabas ng isang high-end bar sa BGC, Taguig dahil sa pagkaka-link niya sa anak ni former House Speaker Martin Romualdez na si Marty Romualdez.
Sa ngayon, wala pang sagot si Sarah tungkol sa mga hindi kagandahang akusasyon laban sa kanya, pero bilang isa ring ina, mas maa-appreciate namin kung ipaglalaban ni Sarah ang kanyang reputasyon para na lang sa kanyang dalawang anak kesa dumedma sa isyu na masyado nang below the belt.
Anak, hinayaan na raw sa mga desisyon sa buhay… KARLA, TODO-IWAS PAG-USAPAN ANG KASALANG DANIEL-KAILA
AFTER 55 yrs., finally ay may celebrity endorser na ang W Express, ang leading ISO-certified logistics and courier service provider sa ‘Pinas, at ito’y walang iba kundi si Momshie Karla Estrada!
Pormal ngang ipinakilala ang aktres bilang first brand ambassador ng kumpanya sa media launch na ginanap kahapon sa Makati Diamond Residences.
Kuwento ni Karla, nakilala niya ang mga bossing ng W Express nang kailanganin niya noon ng mabilisang pag-aayos ng kanilang tourist visa para masamahan ang anak na si Daniel Padilla nang parangalan ito sa Korea.
Marami silang nagpunta that time to support Daniel at nang pangakuan siya ng W Express ng worry-free trip sa Korea dahil sila na raw ang bahalang mag-ayos ng lahat, nagtiwala siya at hindi naman nasira ang kumpanya sa kanya. Kaya ngayon, endorser na nga siya at binansagan pang “Cargo Queen” o “Cargo Queen Mother” (as suggested by our colleague, Gerry Olea).
Tinanong nga namin si Karla kung ano’ng maituturing niyang “heaviest cargo” sa buhay niya bilang Cargo Queen, at nagpakatotoo naman ang aktres na ang pamilya niya.
Pero nilinaw ni Karla na kahit sila ng panganay na si Daniel ang nagsilbing breadwinner ng kanilang pamilya, hindi naman “pabigat na cargo” ang turing niya sa pamilya at sabi nga niya, hindi nakakapagod ang pagtulong sa sariling pamilya at mga kamag-anak.
Very open ding sinagot ni Karla ang iba pang tanong ng press, pero ang obyus lang na iniwasan nito ay ang tanong ni Tito Gorgy Rula sa posibilidad na mauwi sa kasalan ang relasyon nina Daniel at Kaila Estrada.
Ang tanging sinabi ni Karla ay matagal na niyang binigyan ng freedom si Daniel at hinayaang magdesisyon para sa buhay nito, although nandiyan pa rin naman siya para gumabay lang at magpaalala.
Naniniwala naman daw kasi siyang dahil sa maturity ni Daniel, kayang-kaya nitong magdesisyon para sa sariling buhay lalo’t nasa tamang edad na ito.
Anyway, bukod sa mabilis at organisadong pagpoproseso ng visa, nag-aalok din ang W Express ng malawak na hanay ng mga serbisyo ng courier at logistics kabilang ang domestic at international na pagpapadala, secure na transportasyon ng mahahalagang dokumento, corporate logistics solution, at customized na serbisyo sa paghahatid para sa parehong mga negosyo at indibidwal na customer.
HINDI maiaalis sa pamilya ni dating Sen. Bong Revilla ang maging emosyonal, lalo na ang misis nitong si Congw. Lani Mercado, dahil sa ipinakitang suporta at pagmamahal ng mga loyal supporters nila sa ginanap na Ecumenical Prayer Rally last Feb. 8, kung saan more than 15,000 Caviteños ang nagtipun-tipon sa Aguinaldo Shrine.
Sa kabila ng mga akusasyon kay ex-Sen. Bong na nasa Quezon City Jail Male Dormitory ngayon dahil sa pagdawit sa kanya sa flood control scam, naniniwala ang mga supporters niya sa kawalan ng katarungang pagpiit sa kanya. Kaya ang panawagan nila, maging patas ang proseso ng hustisya.
Naniniwala rin ang mga naturang supporters na napulitika at biktima ng panggigipit ang dating senador.
Alas-5 ng hapon, nagsimula ang pagtitipong pinangunahan ng mga kinatawan mula sa simbahang Katolika, mga Kristiyano, Protestante, Muslim, at iba pang religious groups. Layunin ng pagtitipong ipanalangin ang kapayapaan ng bansa at ang pananaig ng katotohanan.
Dumalo rin ang mga samu't saring supporters, civic groups, at people’s organizations mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Cavite. Naniniwala silang dapat manaig ang batas nang walang kinikilingan.
Nilinaw nilang hindi kilos-protesta ang pagtitipon kundi isang panawagan sa kunsensiya.
Sabi naman ni Congw. Lani Mercado-Revilla, “Maraming salamat po sa inyong lahat na patuloy na naniniwala, nagdarasal, at naninindigan para sa katotohanan. Ang inyong presensiya at panalangin ang nagbibigay-lakas sa aming pamilya sa panahong ito ng pagsubok.
“Tiwala kaming makakamtan muli ang hustisya para kay Bong. Sa tulong ng Diyos at sa tamang proseso ng batas, lalabas at manaig ang katotohanan,” dagdag niya.
Nagtapos ang Ecumenical Prayer Rally sa isang sama-samang panalangin.




