Blind item pero nahulaang si Jillian… SOFIA, UMAMING 4 YRS. NA-BULLY NG KATRABAHO
- BULGAR
- 9 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | October 27, 2025

Photo: FB Sofia Pablo
May pasabog agad si Sofia Pablo sa first day ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab (PBBCCE) Edition 2.0 nang ikuwento sa co-housemate na si Lella Ford (sister ni Daniel Padilla) na siya ay na-bully nang apat na taon. Nang tanungin ng kausap kung sa school siya na-bully, ‘work’ ang sagot nito.
“Work, kaya mas mahirap,” sey pa niya.
Nang tanungin uli kung bakit matagal ang pambu-bully sa kanya, sagot ni Sofia, “Mahaba ang project.”
Walang binanggit na pangalan si Sofia kung sino ang nang-bully sa kanya at wala rin siyang binanggit na project. Kaya lang, nahulaan agad na si Jillian Ward ang tinutukoy niya at Prima Donnas (PD) ang sinasabing project.
Comment ng mga fans, sana pinangalanan na lang ni Sofia na si Jillian ang tinukoy niya at hindi na blind item ang pagkakakuwento niya.
Ibig sabihin nito, hindi pa rin okay sina Jillian at Sofia kahit sinabi nilang nagkaayos na sila.
Gusto tuloy malaman ng mga fans kung ano’ng klaseng pambu-bully ang ginawa ni Jillian kay Sofia at sana raw, itinuloy na niya ang kuwento para hindi sila nabitin.
May mga nag-request naman sa PBBCCE na maging house guest si Jillian para magkita sila ni Sofia at magkaalaman na. Sino raw kaya sa dalawa ang hindi papayag na magkita at magkasama sila sa Bahay ni Kuya?
Sa mga comments, hindi nagustuhan ng mga netizens na sa first night pa lang ng PBB ay may pasabog na agad si Sofia. Hindi raw nito sinayang ang oras at nagkuwento at nag-drama agad.
Tingnan natin kung masunod ang ipinaplano ng mga fans ng PBB na dahil sa ginawa ni Sofia Pablo ay i-first evict daw nila ito. Hindi naman siguro papayag ang mga fans niya at fans nila ng ka-love team niyang si Allen Ansay, kaya kaabang-abang ang journey nito sa PBB.
SA post pa lang ni Rita Daniela na, “Thank you God for everything. Thank you, God for blessing me with people who have great hearts who have been helping me and still believing in me no matter what.
“The justice I received today is not just for me. This is also for all the women and men who were abused, harassed and molested that didn’t have the voice and platform to fight for their own rights.
“So, I am celebrating this justice with you. Today, we all won. We won. God loves us.”
Pinuri ang pagiging matapang ng singer-aktres na i-pursue ang kanyang kaso. Sana raw ay marami pa ang ma-inspire sa kanya na mga biktima. Deserve raw niya ang justice na dumating sa kanya.
May dagdag na post si Rita na, “If He gave you the vision, He’ll give you victory.”
At speaking of Rita, panalo rin ang love life nito sa piling ng boyfriend na si McClaude ‘MC’ Guadaña, isang basketball player. May mga nainggit sa sweetness ng magdyowa kahit short convo lang.
Nag-comment si Rita ng ‘Love’ sa Instagram (IG) post ng boyfriend na sinagot nito ng “@missritadaniela paparapapa... love kita.”
KAHIT nasa bakasyon sa Chicago, tumakbo pa rin si Barbie Forteza sa Halloween Hustle run. Sa 5.02 km, tinakbo niya ito sa loob ng 35m 31s kaya proud sa kanya ang mga kapwa-runners.
Biro nga sa kanya ni Kristoffer Martin, international runner na siya, at marami ang nag-congratulate. Hindi pinagpawisan ang aktres sa kanyang pagtakbo dahil malamig sa Chicago.
Nag-away lang ang BarDa fans nina Barbie at David Licauco at mga shippers nina Barbie at Jameson Blake dahil nag-heart react si Jameson sa post ni Barbie. Patunay daw ‘yun na hindi lang nami-miss ni Jameson si Barbie kundi in a relationship na sila.
Pumalag naman ang BarDa fans dahil kay David lang daw si Barbie. Sagot ng mga fans ni Barbie, may girlfriend na si David kaya fake news ang sa kanila ng aktres.
Sabi naman ng isa, mabuti pa si Jameson, may pa-heart sa post ni Barbie, si David daw ay dedma.
Para matigil na ang pukpukan ng dalawang kampo ng mga fans, hintayin na lang daw nila na magkaroon ng relationship reveal sina Barbie Forteza at Jameson Blake. Isunod na rin daw ang pag-amin ni David Licauco sa non-showbiz girlfriend niya.




