Blind item, natukoy… DANIEL AT KATHRYN, NAGKAKALABUAN DAHIL KAY BARBIE
ni Julie Bonifacio - @Winner | June 8, 2022

Nature-tripping ang ginawang celebration ng on and off screen lovers na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para sa kanilang ika-sampung anibersaryo.
Naunang umalis si Kathryn patungong Thailand kasama ang kaibigang si Alora Sasam. Second day nila sa Thailand nu’ng sumunod sa kanila roon si Daniel. Pero diretso na rin agad sila sa airport dahil papunta naman sila ng Singapore.
After a few days, balik na ulit sa Thailand sina Kathryn, Daniel and Alora. Pero si Alora, pagbaba ng eroplano sa Thailand airport, lumipat lang ng terminal at balik-Manila na.
So, naiwan sa Thailand ang love birds na sina Kath at DJ. They still stayed there for another day. It’s good to know na pinapayagan na si Kathryn ng parents niya na mag-travel alone with Daniel. Kunsabagay, 10 years naman na sila and any moment, ready na rin na mag-settle down. Pero ‘yun nga, what’s holding them para magpakasal?
Teka, nag-propose na ba muna si Daniel? Kailan kaya?
Huwag naman sanang masira pa ang relasyon nila. May blind item pa naman na kumakalat sa social media na rocky showbiz couple at sina Kathryn and Daniel diumano ang tinutumbok.
Ang isyu sa rumored “rocky” couple ay may ginawa raw ‘yung guy na ‘di dapat gawin ng partner na committed sa isang relasyon. In short, may ibang babae na involved doon sa guy.
Hula ng mga netizens, sina Kathryn at Daniel 'yung showbiz couple, at iniuugnay nila si Barbie Imperial kay DJ.
Teka, ilang buwan nang lumabas ang tsikang ‘yan. Hanggang ngayon pa ba?
The mere fact na magkasamang nag-celebrate sina Daniel at Kathryn ng kanilang 10th anniversary, kung meron mang naging isyu sa kanila, mukhang naayos na.
Hope so.





Comments