Blind item daw ni Beauty na bad breath… LUIS: CONFIDENT AKO SA SARILI KO
- BULGAR

- 52 minutes ago
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 12, 2026

Photo: FB Angel Locsin
Sa unang pagkakataon ay kinlaro ng aktor na si Luis Alandy o Adrian Alandy ang tungkol sa blind item ng aktres na si Beauty Gonzalez na may co-actor siyang nakaeksena na may bad breath, at nagbigay pa ng clue na nagsisimula ang pangalan nito sa letrang A.
Naging viral ito at kani-kanyang hula ang mga netizens kung sino si A.
At dahil may naging post si Adrian o Luis ng: “Oks ka na? Masaya na?” ay may mga naghaka-haka na siya ang tinukoy ni Beauty.
Nagkasama sina Beauty at Adrian sa GMA series na House of Lies (HOL) mula Enero hanggang Mayo, 2026.
Sa maiksing sagot ni Adrian ay umiwas na si Beauty na magsalita sa mga nagtatanong sa kanya.
At sa kuwentuhan nina Adrian, Stanley Chi at Benjie Paras para sa online show na Men’s Room na mapapanood sa One News PH YouTube (YT) channel ay napag-usapan nila ito.
“In-interview kasi si Beauty sa isang show at parang tinanong s’ya kung may artistang mabaho o mabahong hininga. ‘Di ko alam (buong tanong), ‘di ko napanood ‘yung segment, pero nagbigay s’ya ng initial, tama ba?
“‘Di ko alam ‘A’ yata ‘yung sinabi n’ya, so nag-assume na ‘yung mga tao na ako. Pero nag-message sa akin si Beauty na, ‘Oo, may lumalabas na ikaw ‘yung pinangalanan ko.’ Sabi ko naman, ‘Oo nga, never naman, saka kumpiyansa naman ako sa sarili ko o siguro, kung ako man, o siguro, may time na madaling-araw o ano, pero never. At sa tagal ko na sa industriya, wala namang ganu’ng tsismis, saka… (natawa),’” esplika ni Alandy.
Humirit si Benjie, “Ako, katabi kita, wala naman (naamoy), ang bangu-bango mo nga.”
“Hahaha! Amoy kape lang,” sabi ng aktor.
“Sa totoo lang, wala nga raw letter ‘A’ sa first name at ang ikinaganda lang ng article na ‘yan o tsismis na ‘yan na ipine-presume ng tao na may bad breath, s’yempre, as an actor, kailangan ko ring maging aware, lalo na kung sino ang makakausap mo. S’yempre, iisipin na bad breath ka kaya kailangan, mas maging aware ka na sa hygiene mo,” pahayag ni Alandy.
Nagkuwento naman si Benjie na minsan daw ay nagkatuwaan sila habang nasa set na nagmeryenda sila ng mangga at bagoong at usapang walang magtu-toothbrush.
“Galing kasi sila sa comedy o sitcom kaya puro sila kalokohan talaga,” katwiran ni Alandy.
Going back to Beauty ay hindi na rin tinanong ni Alandy kung sino ‘yung naka-work nito na may bad breath.
“Inano ko na lang, take it constructively,” saad ng aktor.
Luging-lugi! SIKAT NA AKTRES, SOBRANG KURIPOT, BAYAD SA STYLIST, KULANG PA PANG-GRAB KAYA INAYAWAN NA
BLIND ITEM:
Hindi na binalikan ng kilalang stylist ang sikat na aktres dahil sobrang baba raw nitong magbayad kapag kinukuha siya sa event.
Naging magkaibigan ang stylist at sikat na aktres nang gumawa sila ng pelikula at dahil nagustuhan ng huli ang una ay kinomisyon niya itong siya na ang magbibihis sa kanya kapag may mga dinadaluhang events.
Nagulat lang ang stylist dahil nu’ng bayaran na siya ng aktres ay kulang pa sa pamasahe ang ibinigay sa kanya.
Nagulat din kami at nalaman naming hindi niya binanggit ang talent fee (TF) sa kilalang aktres kaya siguro inakala ng huli na okay na sa kanya ang bayad na wala pang dalawang libong piso.
“Alam n’yang mahal ang professional fee namin sa events dahil nagkasama na kami, pero nagulat talaga ako. ‘Teh, kulang pang pang-Grab, taga-South ako. Ano, one-way lang ‘yung dalawang libo?” iritableng sabi ng stylist.
Nakadalawang events pa ang kilalang aktres sa stylist na pareho pa rin ang bayad kaya nu’ng muli s’yang tinawagan ay hindi na siya sumipot at nagdahilang marami siyang ginagawa.
“Kaya tingnan mo ‘yung mga ginagamit n’ya ngayon sa mga pinupuntahan n’ya, ang layo sa dati,” sabi pa ng stylist.
May pinanood kaming vlog na guest ang sikat na aktres at nagulat kami. Parang maggo-grocery ang suot na damit at parang hindi rin nag-make-up dahil namumutla ang hitsura.
“‘Yan ang napapala ng ‘di nagbabayad nang tama. Siguro, pati make-up, nagkukuripot s’ya,” kuwento ulit ng stylist.
Sa pagkakaalam namin ay may pera at malaki ang TF ng kilalang aktres kaya nakapagtataka na ganito siya magbayad sa professional fee ng mga taong nakakatulong sa imahe niya.





Comments