Blessings pa more! JOSHUA, SINUWERTE NANG MAWALA SI JULIA
Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | April 30, 2021

Mukhang tuluyan nang naka-move on si Joshua Garcia sa breakup nila ni Julia Barretto. Hindi na mababakas ang lungkot sa kanyang mga mata at masiglang-masigla na siya ngayon.
Maraming pinagkakaabalahang gawin si Joshua. Nag-invest siya sa isang farm kasama ang ilang kaibigan. At kahit buwag na ang tandem nila ni Julia, patuloy pa rin siyang kinukuhang endorser.
Maganda ang mga blessings na dumating kay Joshua nang maghiwalay sila ni Julia. Ang latest nga, kinuha siyang endorser ng isang brand ng kotse.
Si Joshua pa rin ang endorser sa isang malaking food chain. Hindi na sila pinagsama ni Julia.
Loveless man ngayon si Joshua, may nagpapasaya naman sa kanyang puso. Niregaluhan siya ni Moira dela Torre ng cute na doggie at napamahal na ito kay Joshua.
Dream din ni Joshua na makatrabaho ang ultimate crush niyang si Kathryn Bernardo.
Mabait at marunong makisama si Joshua Garcia kaya marami ang sumuporta at nakisimpatya sa kanya nang mag-break sila ni Julia. At hindi rin siya pinabayaan ng kanyang pamilya sa panahon na kailangan niya ng masasandalan sa madilim na bahagi ng kanyang buhay.





Comments