top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Blazers, malinis sa 6th win; naka-2 sunod na ang SBU

BULGAR
Jul 2, 2022
2 min read

ni GA - @Sports | July 2, 2022



Hindi matinag ang nagbabagang laro ng College of St. Benilde Lady Blazers nang kunin nito ang kanilang ika-anim na sunod na panalo at ika-limang sweep ngayong season laban sa San Sebastian-Recoletos Lady Stags sa bisa ng 25-11, 25-22, 25-14, kahapon sa unang laro sa 97th NCAA women’s volleyball tournament sa Paco Arena sa Maynila.


Humataw si Jade Gentapa ng double-double performance sa kabuuang 17 puntos mula sa 15 atake at tig-isang service ace at block at 10 excellent digs, na sinegundahan sa puntusan si Jhasmin Gayle Pascual sa 13 pts na mula lahat sa 13 atake, habang nag-ambag si Francis Mycah Go ng 9 pts. Nagpamahagi si rookie setter Cloanne Mondonedo ng 17 excellent sets at karagdagang 5pts, habang may 12 excellent receptions si Kim Allison Estenzo.


“Sabi lang sa amin ni coach [Jerry Yee] na kung ano yung ginawa namin sa training, yun din ang gawin namin sa game,” pahayag ng Davaoena-native na si Gentapa sa post-game interview dito ng NCAA hosts.


Samantala, binuhat ng beteranong si Trisha Mae Paras ang San Beda Lady Red Spikers sa ikalawang sunod na panalo kontra sa Mapua Lady Cardinals sa bisa ng 4th set victory sa 25-20, 14-25, 25-23, 25-23 upang manatiling buhay ang tsansa sa semis.


Rumehistro ng game-high 23 puntos ang Middle Blocker na si Paras mula sa 20 attacks, 2 aces at 1 block upang makuha ng Mendiola-based volleyball squad ang matamis na ikalawang panalo sa 2-4 upang tumabla sa Perpetual Altas sa 7th spot.


Naging malaking tulong para sa SBU ng magandang depensa ni Justine Marie Buno na may 20 excellent digs at 17 excellent receptions, habang sumalo ng 16 excellent digs si Marianne Louise Tayag kasama ang 6 atake.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page