top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Blame The Ghost at Bravemansgame sa Turf

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 26, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 26, 2023


Sasabak ang magka-kuwadrang sina Blame The Ghost at Bravemansgame sa magaganap na 2023 PHILRACOM 1st Leg Juvenile Stakes Race na pakakawalan sa Setyembre 3 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.


Makikipagpaligsahan ng bilis sina Blame The Ghost at Bravemansgame laban sa pitong tigasing batang kabayo na nagsaad din ng pagsali sa distansiyang 1,200 meter race.


Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez ang Blame the Ghost habang si class A rider Kelvin Abobo ang gagabay sa Bravemansgame.


May nakalaan na P1.8-M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid ng finish line, ang ibang nagdeklara ng paglahok ay ang Amor My Love, Artsev, Ghost, Heartening To See, Malibu Princess Mommy's Love at Sonnet Forty Three.


Ayon sa komento ng mga karerista, bakbakan panigurado ang kanilang masisilayan dahil mga mahuhusay na kabayo ang kasali. "Mga future champions ang mga maglalaban-laban kaya pahirapan sa pagpili ng tatayaan," saad ni Gilberto Cortez, veteran karerista.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P1,080,000, mapupunta sa pangalawa ang P360,000 habang tig- P180,000, P90,000, P54,000 at P36,000 ang third hanggang sixth placers ayon sa pagkakahilera.


Tatanggap din ng P90,000 ang breeder ng winning horse habang tig-P54,000 at P36,000 ang second at third.


Samantala, papasanin ng mga batang babaeng kabayo ang 52 Kgs. habang may bigat na 54 kgs. ang dadalhin ng Colt sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon. Ilalarga din sa nasabing petsa ang Lakambini Stakes race na sasalihan ng 11 mahuhusay na kabayo kaya inaasahang masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page