top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Blackburn, nanggulat sa Metro Turf, Malvar

Writer: BULGAR
BULGAR
May 12, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | May 12, 2022


Nagpakitang-gilas si Blackburn matapos manalo sa 2022 PHILRACOM "Chairman's Cup" Division III noong Linggo nang hapon sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.


Nag-abang lang sa bandang likuran si Blackburn na ginabayan ni JD Juco, pinanood nito ang mga nagtatagisan ng bilis sa unahan na sina La Liga Filipina, Gusto Mucho, Patong Patong at Greatwall.


Papalapit sa far turn ay nasa unahan pa rin si La Liga Filipina, nakasunod sa kanya si Gusto Mucho habang si Blackburn ay nasa pang-anim na puwesto pa.


Papasok ng hometurn ay naagaw na ni Gusto Mucho ang unahan, nasa pangalawang puwesto si Victorious, habang ang nauupos na si La Liga Filipina ay pangatlo na lamang.

Bandang rektahan binanggit ng race caller si Blackburn na beripikadong lalampas kina Gusto Mucho at Victorious Colt. Nasikwat ni Blackburn ang unahan sa huling 100 metro ng laban at nanalo ito nang may apat na kabayo ang agwat sa nasegundong Victorious Colt.


Inilista ni Blackburn ang tiyempong 2:06. 8 minuto sa 2000 meter race sa event na suportado ng Philippine racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni Chairman Reli De Leon.


Nasilo ni Blackburn ang P300,000 premyo, napunta kay Victorious Colt ang second prize na P100,000 habang tig- P50,000 at P25,000 ang third at fourth placers na sina La Liga Filipina at Life Gets Better, ayon sa pagkakasunod.


Samantala, tiyak na inaabangan ng mga karerista ang mga stakes races na ilalarga sa susunod na Linggo kaya masisiyahan na naman sila sa kanilang paglilibang.


Mga Pili ni Green Lantern:

Race 1. Pilya (5) Gee's Song (6), Dimakya Island (1)

Race 2. Red Hawk (7), Stark (2), Jade's Treasure (1)

Race 3. Aida's Pet (6), Sinag (5)

Race 4. Happy Man (1), Reconstruction (2)

Race 5. Lava Walker (7), Lady Of Peace (8)

Race 6. The Queen (1), El Lider Maximo (5)

Race 7. Kingwash Rebuilt (5), Melody's Diamond (3), Extremely Tough (2)


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page