Blackburn, iniwan ang katunggali sa Malvar
- BULGAR
- May 9, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 9, 2023
Pinanis ni Blackburn ang mga nakatunggali matapos manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.
Nagsaya ang mga liyamadista sa panalo ni Blackburn, kahit lumabas na pang-apat sa largahan ay kalmado itong ginabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Patricio Ramos Dilema.
Nagtagisan ng bilis sa unahan ang matutulin sa arangkadahan na Papa Ohh Mamaw at Luke Skywalker habang nasa pangatlo puwesto ang Krugerrand.
Pagsapit ng huling 400 metro ng karera, lumapit na sa unahan si Blackburn kaya naman pagsungaw ng rektahan ay tangan na ng winning horse ang bandera.
Dahil sa sobrang husay ay nagwagi si Blackburn ng may pitong kabayo ang agwat sa pumangalawang si Super Master, tersero ang Krugerrand sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
"Mahusay si Blackburn at maganda pa ang pagkakadala ni Patty (Dilema), sobra nanalo kahit tatlong sunod na panalo kaya pa niya," saad ni Jack Jacinto, veteran karerista.
Nilista ni Blackburn ang tiyempong 1:24.8 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse pwner na si BC Coching ang P10,000 added prize.
Samantala, hinahanda si Blackburn sa susunod na karerang sasalihan kaya inaasahang aabngan ito ng mga karerista lalo na ang kanyang mga tagahanga.





Comments