top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Black Mamba at Choco Mucho, mag-uunahan sa 3rd standings

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 19, 2022
1 min read

ni VA - @Sports | July 19, 2022





Pag-angat sa ikatlong puwesto ang pag-aagawan ng Army Black Mamba at ng Choco Mucho ngayong hapon sa dispute third place habang tatangkain naman ng PLDT na sumalo sa nasabing puwesto sa pagtutuos nila ng Petro Gazz sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Premier Volleyball League Invitational Conference sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Back-to-back win ang target ng Lady Troopers makaraang gapiin ang Angels sa loob ng apat na sets habang magkukumahog namang bumawi ang Flying Titans mula sa 5-sets na pagkatalo sa kamay ng nangungunang HD Spikers noong nakaraang linggo.


Umaasa ang Army na muling magpapakita ng eksplosibong laro sina Jovelyn Gonzaga at Michelle Morente na tumapos na may 23 at 13 puntos ayon sa pagkakasunod katuwang ang setter na si Ivy Perez na nagtala ng 10 hits at 21 excellent sets kontra Angels sa pagsabak nila sa unang laban na magsisimula ganap na 2:30 p.m.


Sa kabilang dako, magsisikap namang makabangon mula sa kabiguang nalasap sa kamay ng Cignal ang tropa ni coach Oliver Almadro sa pangunguna nina Kat Tolentino, Bea de Leon, Isa Molde, Aduke Ogunsanya, Des Cheng, Cherry Nunag, Ponggay Gaston at setter Deanna Wong.

Samantala sa huling laro, pipilitin ng Angels na makaahon sa natamong dalawang sunod na kabiguan upang patuloy na buhayin ang kanilang kampanya habang tatangkain naman ng katunggali nilang PLDT na manatili sa ikatlong puwesto kung saan kasalo nila sa kasalukuyan ang Army at Choco Mucho sa patas na markang 1-1 sa kanilang tapatan ganap na 5:30 ng hapon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page