BJMP personnel, dumalaw sa presong GF, shabu at bala, buking
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
by Levi Gonzales @News | September 8, 2026

Photo: Batangas Provincial Jail - FB
Arestado ang 31-anyos na tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu at bala sa Batangas Provincial Jail sa Brgy. Cuta, Batangas City,
Kinilala ang suspek na si alyas John, isang high-value individual (HVI) at residente ng Brgy. Mamatid, Cabuyao, Laguna.
Ayon sa imbestigasyon, nagtungo ang suspek sa naturang piitan upang dalawin ang kanyang kasintahang isang person deprived of liberty (PDL).
Nadiskubre sa kanyang belt bag ang siyam na heat-sealed sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 7.5 gramo at street value na P51,000, isang sachet na may aluminum foil strips, at magazine na may 11 bala ng kalibre 9mm.
Nakumpiska rin ang isang CZ-P10C caliber 9mm pistol na sinasabing issued service firearm ng suspek at isinuko nito bago ang pagbisita.





Comments